Chapter 11

0 0 0
                                    

"I'm ready, I'll just wait for you in the car"

Nakakainis, akala ko pa naman hihintayin niya ako sa labas ng kwarto, pero bakit ba ako nag e-expect na mangyayari 'yon?

"Oo, teka lang"

He just nodded and walked away, talagang wala siyang balak hintayin ako sa labas ng kwarto, kahit kailan talaga hindi siya naging gentleman sa paningin ko.

"Kesia, mauna na kami ni kuya Kai"

Pagpapaalam sa akin ni Azura at tsaka ako muling binigyan ng mahigpit na yakap, ngumiti lang ako sakaniya at tsaka rin siya niyakap.

"Sige, osya bukas na lang"

Ngumiti lang din naman ito at nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya makita.

Nagmamadali naman akong mag ayos ng gamit dahil hindi ko sanay na may naghihintay sa akin, madalas kasi sa tuwing may mga outing, ako yung naghihintay sa kanila na matapos.

Nang maayos ko na ulit ang kwarto ay dali dali ko namang binitbit ang bag ko at tsaka tumakbo palabas ng resort, doon naman ay agad kong nakita si Leo na naghihintay sa 'kin.

"Sorry, naghintay ka pa ng matagal"

"It's fine, get in the car, ihahatid na kita sa inyo kasi may kailangan ka pang gawin tapos tinawagan ako ng yaya mo"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya, wala naman akong nak-kwento kay manang kaya napaka impossible na tatawagan niya si Leo, wala rin naman akong binibigay na contact number kay Leo kaya naman ay nagtataka talaga ako kung paano nangyari 'yon.

"Saan mo nakuha ang contact number ni manang?"

"Don't ask me that kind of question, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Kilala ko nga ang mga magulang mo kaya napaka impossible na hindi ko makilala ang yaya mo."

Sinungitan ko lang naman siya, natawa pa siya ng bahagya at tsaka binuksan ang pintuan ng kotse para makapasok na ako.

"Ang gentleman mo naman pala, pero madalas para kang bata na akala mo'y first time makalabas ng bahay"

He just laughed, first time ko siya makita na ganito kasaya, madalas kasi ay palagi kaming nag aaway kahit sa maliit na bagay na hindi naman dapat pag awayan.

Ilang oras ang nakalipas at nandito na kami sa harap ng bahay, pinagsabihan niya akong huwag munang bumaba dahil pagbubuksan niya ako ng pinto, natuwa naman ako dahil doon.

Sinamahan niya akong magbitbit ng mga gamit ko, bumili kasi ako ng mga souvenir para display sa bahay.

"Salamat po sir Leo at nag abala pa talaga kayong ihatid dito sa loob ng bahay si ma'am"

Ngumiti naman si Leo, mukha namang bukal sa loob niya ang pagtulong na ginawa niya sa 'kin.

Bago siya umalis ay inaya niya pa ako sa labas, saglit lang daw ang pag uusap namin pero halos bumaba na ang sikat ng araw ay hindi pa rin kami tapos mag usap.

"May balak ka pa bang umuwi?"

Pang aasar kong tanong sakaniya, natawa naman ito dahil sa itinanong ko.

"Alright alright, uuwi na ako"

Gusto ko sana siyang asarin ulit pero bakas pala sa mukha ko ang biglaang pagkalungkot, akala ko'y hindi niya mapapansin.

"Come on, magkikita pa naman tayo bukas. See you"

He took my hand and kissed it, he also kissed my forehead.

"Pumasok ka na sa loob, baka hinihintay ka na ng yaya mo"

Agad ko naman siyang sinunod dahil alam ko na hinihintay na talaga ako ni manang, sinigurado niya pang maayos akong nakapasok sa loob ng bahay bago siya tuluyang umalis.

I don't know, but I felt like there's butterflies inside my stomach.

Am I really falling in love?

But this can't be happen, kaya ako pinapasok ng mga magulang ko to reach my dreams, not to fall in love.

Dahil sa sobrang gulong thoughts ko ay hindi ko na tuloy lubos maisip kung in love ba talaga ako o nagugustuhan ko lang yung treatment na binibigay/ginagawa niya sa 'kin.

Hay nako Kesia, kailangan mong mag focus ngayon sa goal mo, marami pang oras para sa love love na yan.

Naglalaban na ngayon ang utak at puso ko, sigurado naman ako na mananalo pa rin kung ano ang isinisigaw ng puso ko.

I am really in love, hindi lang dahil sa gusto ko yung treatment na binibigay niya sa 'kin.

When I look at my phone, I sighed deeply.

May twenty missed calls ako galing sakaniya, akala ko pa naman ay maririnig ko ang tumatawag o baka hindi ko lang napansin dahil mas nagf focus ako ngayon sa iniisip ko.

Napansin ko na nagkakagulo sa group chat namin kaya naisipan ko na magbasa, baka mamaya may importante pala silang pinag uusapan, huli na naman ako sa chika.

'Ayan si Kesia Monroe, siya na lang'

Gulat naman ako nang makita ko ang pangalan ko, at nag agree naman halos lahat ng estudyante, ano na naman bang meron?

Hindi pa nga ako maka get over sa malalim kong iniisip kanina tapos hindi pa ako maka relate sa sinasabi nila, mas lalo ko pang kinagulat nang bigla akong i-mention ng teacher namin na uma-agree rin siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang natanong kung ano ba talaga ang ganap, mabilis naman silang nag seen, atat siguro sila sa reply ko.

Sabi naman ng teacher namin na mag backread daw ako, ginawa ko naman at laking gulat ko na naghahanap pala sila ng pwede maging muse para sa basketball team ng grade namin.

Hindi ko alam kung kaya ko, may experience naman na ako sa pagm-model pero ang lakas ng anxiety ko sa tuwing maraming tao ang nakatingin sa akin.

'Hindi ko po yata kaya'

Eto na lang ang naireply ko na kinalungkot naman ng mga nasa group chat, ang ilan ay pinipilit pa ako, pati na yung teacher namin.

Gulat na gulat talaga ako sa mga nangyayari ngayon, bakit ako? Kung tutuusin ay hindi naman ako kagandahan, naging maganda lang ako dahil simula noong bata ako ay alaga na talaga ang balat ko.

I sighed, pumayag na ako para matahimik na ang lahat, hindi ko man makita pero ramdam ko ang saya nilang lahat no'ng pumayag ako.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon