Chapter 23

0 0 0
                                        

Kesia;
Nainitan ako kaya naman ay minulat ko na ang mata ko, pagkakita ko ay nakakumot pa ako.

Agad naman bumaling ang tingin ko sa orasan, 4 am pa lang pala, pero bumangon na ako kasi 6 am daw kasi start ng event sa school.

Pagbaba ko ay agad akong binati ng good morning ni manang at manong, ngumiti naman ako ng malapad sa kanila at tsaka rin sila binati.

"Ano po'ng makakain?" tanong ko habang iniikot ang tingin sa kusina, humikab pa ako kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko.

"Nako, gumagawa ako ng pancake ngayon, favorite mo 'to 'di ba?" sabi naman ni manang dahilan ng pagngiti ko.

"Mhmm, natatakam na po ako!" masayang sabi ko naman, napangiti naman sila dahil sa precious ng ngiti ko.

"Ligo lang po ako saglit, balikan ko po kayo" paalam ko naman sa kanila at tsaka sila tumango.

Habang paakyat ako sa hagdan ay bigla kong naalala si Leo, sana maging katulad din kami ni manang at manong soon, hinihintay ko lang naman ang araw na tanungin niya ako para maging girlfriend niya, hindi naman na ako mag papakipot.

Saglit lang naman akong naligo at agad ko na sinuot ang jersey, nag blower lang naman ako ng buhok, mamaya pa ako makakapag make up dahil hindi pa ako kumakain kaya kinuha ko na lang sila para dalhin sa baba mamaya.

Nang maisampay ko na ang towel ko ay agad na akong bumaba, kita ko na tapos na magluto ng pancakes si manang, nagningning naman ang mata ko dahil namiss ko ang ganitong klaseng almusal.

"Mhmm, ang sarap po talaga ng luto niyo!" masayang sabi ko naman kay manang at tsaka ko siya niyakap, niyakap niya rin naman ako pabalik.

Hindi nagtagal ay tapos na akong kumain, at tsaka ko napag isipan na mag ready na, habang nagt-toothbrush naman ako biglang may kumatok sa pintuan at iniluwa nito si Leo, masayang nakangiti sa akin.

Hay, ang pogi niya ngayon sa jersey niya.

"Nako ikaw talagang bata ka, baka matunaw si Leo" natatawang asar naman sa 'kin ni manang, kanina pa nga ako nakatitig sa kaniya, natawa na lang din ako at tsaka nagmumog.

"Teka lang ha, mag aayos lang ako saglit" sabi ko naman, tumango naman si Leo at tsaka ako nginitian.

Habang nagm-make up ako ay ramdam ko ang mga tingin niya sa 'kin, may gusto naman kasi siya pero bakit hindi niya ako ligawan, sasagutin ko naman din siya agad, daming eme eme sa buhay eh.

Tapos na akong mag make up at agad ko naman kinuha yung heels ko, ni-ready ko na rin yung high socks at converse kong sapatos para sa talent mamaya, dahil hindi naman gano'n kaganda ang boses ko, sasayaw na lang ako.

Nakangiti naman si Leo sa 'kin tsaka siya nagnakaw ng halik sa noo ko, bigla namang namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya pero hindi dapat ako agad o basta bastang kikiligin sa bawat kilos niya, hindi nga ako nililigawan eh, kainis!

"Ew!" sabi ko naman sabay irap sa kaniya, napa kunot noo naman siya dahil sa inasta ko, usually kasi kapag hinahagkan niya ako sa noo ay napapangiti ako or mamumula yung pisngi ko.

"What's wrong?" tanong naman niya sa 'kin pero hindi ko siya pinansin, nagmamadali akong lumabas ng pinto and guess what... Nakalimutan ko yung bag ko!

Nakasakay na ako sa kotse niya nang maalala ko na wala akong bitbit, lalabas pa sana ako ng sasakyan pero nakita ko na siya agad, dala dala niya yung bag ko, nakahinga naman ulit ako ng maluwag.

Kita ko pa siyang nagpaalam kila manang bago siya tuluyang lumabas ng bahay, at home lang kung umasta eh.

Agad naman niyang binuksan ang pintuan sa back seat at tsaka niya nilapag ang bag ko, sunod ay umupo na siya rito sa driver seat.

"Muntik mo na makalimutan yung bag mo, next time kasi 'wag kang basta basta lumalabas ng bahay" pagsermon naman niya sa 'kin, sinubukan ko siyang hindi pansinin.

"Naiintindihan mo ba 'ko Kesia?" still no response from me.

"Sagutin mo 'ko Kesia, hindi ako natutuwa sa tuwing ini-ignore mo ang sinasabi ko" ramdam ko sa boses niya ang inis, gusto ko pa sana siyang asarin pero wala na kaming oras kaya naman tumango na lang ako para matahimik na siya sa pangungulit sa 'kin.

Tahimik kami sa buong byahe, at hindi katagalan ay nakarating na kami sa labas ng school, sobrang daming sasakyan akala ko pa nga ay hindi siya makakapag park.

Ang dami rin ng tao sa labas at loob ng school, may mga bata pang nagtatakbuhan, mga kapatid siguro ng ibang players.

Nauna naman siyang bumaba at tsaka ako pinagbuksan ng pinto, inabot niya pa ang kamay ko para tulungan akong makababa ng maayos dahil nga sa taas ng heels na suot ko ngayon.

"Thank you" tipid kong sabi habang nakangiti sa kaniya.

Rinig naman ang tilian ng mga tao sa paligid namin, ang iba pa nga ay hinihingi ang number ni Leo pero tumatanggi naman ito at sinasabi na girlfriend niya ako, hindi nga niya ako nililigawan, lagot talaga 'to sa 'kin mamaya.

Hindi kalaunan ay nag start na ang event, medyo mahaba pa ang speech ng principal which is mommy ni Leo, but I didn't mind as long as hindi naman ako nakatayo tulad ng ibang manonood.

Ilang minuto pa ay nagsalita na ang mc at sinasabi na mags-start na ang event, masaya naman naghiyawan ang mga tao.

"So let's not go any further, let's start this event but before that let us call Ms. Kesia Monroe to lead us in a short prayer"

Palakpakan naman ang mga tao at nagsitayuan na ang iba.

Nang matapos akong magdasal ay muling nagpalakpakan ang mga tao at ang iba pa ay naghiyawan, may mga sumisigaw pa na ang ganda ko raw.

"I'm sure y'all are excited for this moment, let us now start our per level modeling, starting in grade 9 That Ball on the Wall basketball team, with their muse, Alishaaa~ Klass!"

Masaya namang nagpalakpakan ang mga tao, humihiyaw pa ang iba ng go Alisha.

Ang ganda niya at maayos ang pagrampa niya kaso medyo kulang siya sa confidence dahil hindi siya makatingin ng maayos sa mga tao.

"Good morning people!" eto pa lang ang nasasabi niya pero ang ingay na ng crowd, siya siguro ang mananalo sa Best in Cheer award mamaya.

"My name is Alisha Klass, standing in front you, standing for my team, The Ball on the Wall of grade 9!"

Muling nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao, nakangiti naman siya pero ramdam ko ang kaba na nasa puso niya dahil medyo shaky ang boses nito kanina, pero minabuti kong 'wag na lang pansinin.

"Let's proceed to the grade 10, Ring Breaker! With their muse Catherine Dobson!"

Pumalakpak ang mga tao kabilang na ako roon, pero kasabay non ay ang pag buntong hininga ko, ako na kasi ang susunod.

Parang ang bilis ng oras dahil narinig ko na ang pangalan ko.

"I know hinihintay niyo 'to HAHAHA! Uwi na yata tayong lahat, 'wag na natin tapusin" nag tawanan naman ang mga tao dahil sa biro ng mc.

"Let's proceed to the grade 11, Bricklayers with their muse Kesia Monroe!"

Tinanggal ko ang pagkakatali ng tapal ko sa legs at tsaka ako tumayo habang nakangiti, nagsimula na akong rumampa at rinig na rinig ang malalakas at masasayang hiyawan ng mga tao.

Nang marating ko ang mic ay mas lalong nag ingay ang mga tao, syempre pinaka maingay ang Bricklayers players at pati na rin ang grade 11 teachers.

"Good morning ladies and gentlemen, I am here in front of you all standing for my team, Bricklayers! My name is Kesia Monroe, the muse of grade 11 basketball team!"

Halos mabingi na nga ako dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao, dinaig pa nila yung boses ko kanina, bagkus naka speaker na 'yon.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon