Chapter 14

0 0 0
                                    

Hindi nagtagal ay nag start na kami sa pag rampa, hindi sa feelingera ako pero ako lang kasi ang madalas pansinin ng coach namin, which is na feel ko na medyo unfair para sa iba kasi nandito sila ngayon pero parang ini-ignore ang existence nila.

I can really tell that I'm our coach's favorite, dahil sa behavior na pinapakita niya, at pati na rin kung paano niya ako kausapin.

"Ang ganda ganda mo talaga"

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya, though nasasaktan din ako para sa iba kasi nandito kaming lahat para mag practice pero nasa akin lang ang atensyon ng coach namin, kung tutuusin nga hindi ko na kailangan ng tulong niya dahil may experience na nga ako sa pagm-model.

"Bakit po ako lang ang pinapansin niyo?"

At eto na nga, hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin 'to sa coach namin dahil hindi ko gaanong nagugustuhan ang pagkilos niya, gusto ko naman na nasa akin ang atensyon niya pero paano naman yung iba 'di ba?

"Ikaw kasi ang nakitaan ko na magaling, at naisip ko na mas madali kang matuto compared to them"

Hindi naman ako natuwa sa sinagot niya kasi bakit niya kailangang sabihin 'yon? Kaya nga sila nandito para matuto, pero inaayawan na sila ni coach, first day of practice pa lang.

"Ay okay lang naman po ako, at yung sinabi niyo po na magaling na 'ko, it's because I have an experience na po. Don't worry about me, kaya ko na po ang sarili ko, hindi naman na po mahirap sa 'kin ang modeling"

Noong una ay hirap pa ako na i-convince ang coach namin pero kalaunan ay napilit ko na siya, nangako rin naman siya na hahatiin niya ang oras or by sched ang pagturo niya sa aming mga muse.

Habang tinuturuan naman niya yung babae na inirap irapan ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na medyo matawa, pero naiintindihan ko naman kasi wala siyang experience sa pagm-model so medyo mahirap mag adjust ang paa niya at mataas na heels na agad ang ipinasuot sakaniya.

I don't want to butt in pero as I've experienced before, mahirap at sobrang sakit sa paa na mataas agad na heels ang susuotin mo kahit practice pa lang.

"Ay hello po, advice ko lang sana na try mo muna sa hindi kataasan na heels tapos kapag nasanay na yung paa mo, unti unti mo nang i-try na magsuot ng matataas na heels"

Natuwa ang coach namin dahil sa advice na binigay ko, pero yung babae ay hindi nakinig at nag magaling na akala mo'y pro model na.

Hinintay ko naman na sumuko siya mismo, at nangyari nga dahil hindi na niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman niya sa paa niya.

Nakita ko na sinubukan isuot ang 3 inches heels, medyo nahirapan pa siya sa una pero nasanay rin agad.

Nakikisawsaw rin ako sa pagtuturo, hindi ko naman matawag ang sarili ko na 'pro model' pero nakakatulong naman sakaniya ang mga advices ko.

"Thank you ah, dahil sa 'yo ang dami ko tuloy natutunan"

"Ay nako wala 'yon, I'm always here naman willing to help you whenever you're struggling"

We both shaked our hands, buti naman first day of practice pa lang pero may naging kaibigan na 'ko.

Nagulat naman ako nang bigla akong tawagin ni Leo, ano na naman kaya ang sasabihin niya sa 'kin?

Agad ko naman siyang pinuntahan dahil ayaw ko sa lahat ay pagsasabihan niya ako kasi hindi ako agad lumapit.

"Oh bakit? Kita mo na ngang nagp-practice kami eh"

Kunwari ay iritang sabi ko pero hindi niya ako pinansin, inirapan pa niya ako, ARGH!

"Sorry"

Wow! Tapos ngayon pa sorry sorry siya, hindi ko tatanggapin sorry niya, bahala siya diyan manigas.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon