3

6.6K 139 0
                                    

"Let's go," aya ni Kuya Hellion.

Hindi ko pa alam kung sino ang iba naming mga kasama pero alam kong kasama si Thadeus, siya pa? Para bang hindi siya nawawala tuwing may mga lakad ang kuya ko.

That's simple dahil sa organization.

Kuya Hellion's cat has landed, his cat which is his helicopter. Halos mawindang din ako nang makita ko na may helicopter siya, sumunod ako sa loob at isinuot ang gears na inabot sa akin.

Mahaba-haba pa ang byahe namin pero lahat ng isla na dinadaanan namin ay magaganda lahat.

I want one for me.

Nang makababa kami ay sinalubong kami ng housekeeper at ilang bantay sa isla.

"Hi madam at señyorito!" bati nila.

"Hi, Imelda." Kuya Hellion greeted them too then proceed to walk papunta sa hotel kung saan kami mag s-stay. He owns this island na ginawa niyang tourist spot.

Maraming tao ang nasa isla ngayon dahil summer.

After kuya gave us our room cards ay umakyat na kami, share-share muna raw kami ng kwarto dahil occupied na halos lahat ng rooms.

I opened my room, bumungad sa akin ang malaking chandelier. Pumasok naman ako room at inilapag lahat ng gamit ko, pumasok ako sa isang kwarto at dumiretso sa banyo para maligo at para na rin makapag pahinga.

Sabi ni kuya ay mamaya pang gabi kami mags-swimming pero sa hotel kami, which is pool ang gamit.

Mahirap na rin kasing mag swimming sa dagat lalo na't gabi. Sobrang dilim.

Pagkatapos kong maligo ay naglagay muna ako ng lotion, lumabas naman ako ng banyo at bumungad sa akin ang taong ayaw na ayaw kong makita.

Kung minamalas ka nga naman.

Tumawa ito nang makita niyang naiinis ang mukha ko sakanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"This is also my room."

Sa dinami-dami ng tao, bakit siya?

Nilagpasan ko lang siya at kinuha ang mga gamit ko. Mabuti nalang talaga at dalawa ang kwarto dito, ayokong makasama siya at baka mabaliw ako ng wala sa oras.

Hindi ko alam kung bakit si Thadeus pa ang ipinasama sa akin sa kwarto, pwede naman si Kuya Xie dahil wala naman siyang kasama? Nakakainis.

Padabog akong pumasok sa loob ng kwarto.

Naiilang ako kapag nakikita si Thadeus o kapag nasa paligid ko siya, hindi katulad ng dati na kaya kong hindi pansinin ang existence niya. Iba na kasi ngayon, may, basta! Ewan ko kung hindi niya nararamdaman ‘yon o sinasadya niya lang na gawin ‘yon para inisin ako, well naiinis na ako panalo na siya.

I can have my peace in this room.

♡♡♡♡♡

Nang magising ako ay agad kong sinuot ang two-piece na swimsuit ko at ipinatong ang see through na dress.

Pagkabukas ko ng pintuan ay sabay ang pagbukas ng pintuan ng demonyo, nauna na akong umalis sakanya, alangan namang hintayin ko siya.

"Akala ko kailangan kapa tawagin eh." Bungad sa akin ni Kuya Xie.

"Whatever, Kuya." I'm starving.

Kumikinang ang mga mata ko nang makita ko ang mga pagkain. Wow, seafood boil my favorite! Kinuha ko kaagad ang hipon at kumuha ng kanin.

Oh my! Ang tagal kong nag crave rito!

Kanina pa sila kumakain kaya nagsimula na ako.

May tumabi sa akin habang kumakain ako, hindi ko na kailangan lingunin kung sino ‘yon at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Nagpahinga naman ako saglit pagkatapos kumain pero tinawag ako ni Ate Anya.

"Solana!" she said happily. "Come!"

Napangiti naman ako at lumapit sakanya. I complimented her because of her beauty, no wonder Kuya Hellion's is obsessed with her.

"You're so beautiful, ate."

She looks like an angel in disguise. You can't blame Kuya Hellion for falling inlove with girl like her.

Nahiya siya dahil sa sinabi ko pero tumawa lang ako, she dragged me into the side of the pool.

"You're wearing a swimsuit, Solana?"

"Syempre naman!"

Napatawa naman kaming dalawa nang sabay kaming tumili. That's why I love her, kavibes na kavibes ko siya.

"Okay, let's change habang 8 pm palang!"

Tinawag naman niya si Ate Portia para samahan kami, she's Kuya Zach's ex girlfriend. Kuya Zach invited her kahit may misunderstanding pa sila.

After we changed our clothes, we decided to take pictures. I'm wearing blue two-piece swimsuit while Ate Anya is wearing red and Ate Portia is wearing purple one.

Nang lumabas kami ay naabutan namin sila sa labas na umiinom ng beer habang seryosong nag-uusap.

Unang nakapansin sa amin ay si Kuya Hellion na nagbago agad ang reaksyon nang makita kami, Kuya Xie is nowhere to be found. Siguro ay gumigimik iyon kung saan-saan.

I saw Thadeus gazed on me.

I didn't bother to look back at him, lumusong lang ako pool habang naiwan ang dalawang babae roon.

Binabakuran ni Kuya Hellion si Ate Anya, samantala si Kuya Zach naman ay pasimple kung lumapit kay Ate Portia.

I'm curious to see Thadeus reaction.

"Tangina mo," napabulong ako sa sarili ko nang maisip ko iyon.

What the fuck, Solana? Na-fall ka kaagad because something happened between you two? Gosh ka!

Umahon na rin ako sa pool at kinuha ang towel para umupo. Kita ko sa peripheral vision ko na pinapanood ni Thadeus ang bawat galaw ko.

I opened my phone and took a photo, hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko pero I can say that I am pretty.

I posted it in my story with a caption "vacation 💋."

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now