We are here in the underground of Caizeré. Kung saan lahat ng kasapi ng mafia ay dito nag eensayo.
Ang pag gamit lang naman ng baril ang kailangan kong aralin, marunong akong makipaglaban pero hindi ko masasabing malakas ako. Sadyang iwas lang akong gumamit ng baril dahil naalala ko si Kuya Cryle noon.
I prefer using Katana.
"Prepare yourself, Solana." Kuya Zach said, tumango lang ako. Kahit na ayaw kong gawin ‘to ay wala akong ibang choice.
I prepared myself and wore my gears, ngayon lang ulit ako nakahawak ng baril. I felt nervous pero nandiyan naman sila kuya at si Thadeus kaya ayos lang ako.
I positioned myself at hinawakan ang baril. Kuya Hellion guide me para sa tamang posisyon at posture ko. I held the gun at pinaputok iyon sa target, I missed the shot but umulit ako nang umulit until I finally shot the target.
After that ay nagpahinga muna ako, halos isang oras din kami sa loob ng firing range. It feels so strange dahil kinaya ko na makahawak ng baril ngayon, I got this!
Napatingin naman ako nang may sumulpot na tubigan sa harapan ko, it was Thadeus.
"You did great, Solana."
"Salamat."
Thadeus and my brothers are okay na, they finally accepted our relationship pero hindi pa kami nagiging maayos na dalawa.
We stared for each other for a while. Oh, how much I want to kiss those lips.
Tinawag naman ako ni Kuya Hellion kaya umalis na ako, halos mapamura ako sa ipapagawa niya sa akin. He wanted me to run, sa buong field! Ang lawak-lawak eh.
"Ayoko!" pagrereklamo ko.
"You need to run, sampung ikot lang naman." sampu lang? "Kami nga 50 na ikot eh, araw-araw pa!"
"Hindi naman kasali ‘yan eh, eme ka!"
"Kasali kaya!"
"Pagbabaril lang ang sasanayin ko, no!"
"Kasali nga ‘yan, para tumibay buto mo."
"Edi sana uminom nalang ako ng gatas!"
Napairap ako, hindi naman talaga kasali ‘yon ah? Gusto lang ako pahirapan eh!
"Gatas ni Thadeus?" natatawang asar niya.
Namula naman ako at hinampas siya. "Bastos ka talaga, kadiri!"
Padabog sana akong aalis nang makita ko si Kuya Hellion na nakataas ang isang kilay.
"Do I really need to run, Kuya?" tanong ko.
"Yes, so run."
Aangal pa sana ako pero itinuro niya na ang field, wala akong choice kundi ang sumunod sa sinasabi niya. I started to run, pangatlong ikot ko palang ay nahihilo na ako.
Hindi makatarungan ‘to!
"Putangina, ayoko na!" hingal kong saad at bumalik kung nasaan sila kuya.
"Kapag hindi mo itinuloy ang pagtakbo mo, mas dadagdagan ko pa ang gawain mo."
Padabog akong bumalik sa field para umikot, habang tumatakbo ako ay naririnig ko ang pang-aasar ni Kuya Xie.
Natapos ko naman ang sampung ikot pero feeling ko hindi na ako makakapaglakad, ang sakit ng binti ko. Sobrang sakit! Umupo ako para makapagpahinga at uminom.
Hindi naman ganito ang training ko dati eh, pinapahirapan lang siguro nila ako, siguro matagal ng may galit sa akin ang mga kapatid ko kaya nila ako ginaganito.
Joke lang.
"Backout na ‘ko, please!" halos mag-makaawa kong saad.
"No, magpahinga ka at mamaya tuturuan ka ni Zach kung paano mo maiipagtanggol ang sarili mo."
"Marunong na ako, kuya." sabat ko.
"Marunong lang, hindi magaling."
Napanganga ako dahil sa sinabi ni kuya. Wow ha? Thankyou, hindi ako nasaktan! Umalis naman siya at iniwan akong mag-isa roon. Harsh ah!
Pagkatapos ng 30 minutes na pahinga ay tuturuan na ako ni Kuya Zach, nag warm up muna ako saglit bago magsimula.
He teach me kung paano ang tamang position ng kamay at paa ko.
"Alam ko na ‘yan!" sabat na sigaw ko pero tinarayan niya lang ako at pumwesto.
Nasa likod ko si Kuya Zach at susubukan namin ang itinuro niya, he pulled my hair lightly then I grabbed his wrist, inikot ko ‘yon at sinipa ang kayamanan niya. Pagkatapos ay inikot ko ulit ang kamay niya at sinipa siya sa tiyan.
Nasobrahan ata ako dahil nakita kong namimilipit sa sakit si Kuya Zach.
"Argh.. tangina, Xie ikaw na dito!"
"Sabi ko naman kasi sa ‘yo, eh."
"Basic," mayabang na saad ni Kuya Xie.
Binigyan ko lang ng peace sign si Kuya Zach nang umalis siya sa pwesto.
Humarap sa akin si Kuya Xie na nakangisi and he positioned himself, pumwesto rin ako.
"Bahala kana sa gagawin mo, Solana."
I stepped back my foot and positioned my hands, he attacked me and I spin to kick his face. Pag-ikot ko ay napunta ako sa likod niya, sinipa ko naman ang likod ng tuhod niya para mapaluhod siya.
"Yes! Ano ka ngayon?"
Napatalon naman ako habang pumapalakpak, nakangiti ako habang nakatingin kay Kuya Xie na masama ang tingin sa akin habang hawak-hawak ang panga niya.
"Sorry, ikaw kasi!"
"Mama mo, sorry!" sigaw niya.
Lumapit naman ako at niyakap siya, hindi makakatanggi sa yakap ko si Kuya Xie.
"Puta, si Xie niyakap ako hindi." nagtatampong saad ni Kuya Zach.
Humiwalay si Kuya Xie at lumapit kay Kuya Zach, umamba ng halik si Kuya Xie habang nakalahad ang mga kamay handang yakapin siya. Agad naman na nangasik ang mukha ni Kuya Zach at lumayo.
"Ew, dugyot naman netong kapatid niyo! Pauwiin niyo nga." akala mo naman hindi niya kapatid!
"Mag-kiss tayo para mainggit si Thadeus."
"Bakit naman ako maiinggit sa inyo?" masungit na tanong ni Thadeus.
"Hindi mo kasi pwedeng halikan si Solana."
"Tch, ano naman?" agad na sagot niya.
"Halata kasing kanina mo pa siya gustong halikan."
Nalukot naman ang mukha ni Thadeus, natawa lang ako habang nalipat ang tingin ko kay Kuya Hellion na tahimik na nanonood sa kanila.
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...