Kinaumagahan ay sabay-sabay kaming kumain sa hapag, nandito pa rin si Thadeus at hindi ko magawang tignan siya sa mata.
There's a awkward atmosphere between us because of what happened last night. Napaka malisosyong lalaki ba naman! What if hindi ako ang nakarinig sa kaniya? Edi ngayon ay pinaglalamayan na siya.
Tahimik lang kami habang kumakain.
Darating din pala si Ate Anya dito sa bahay mamaya, tapos na rin kasi ang inaasikaso niya at hindi alam ni Kuya Hellion iyon. She will surprise him.
Nang matapos akong kumain ay dumiretso rin kaagad ako sa kwarto ko para maligo. I'll visit my shop today, I saw a video kasi sa mga bakers and I wanted to try something new.
Lumabas naman ako na nakatapid lang ng twalya, napanganga nalang ako nang makita si Thadeus na preskong nakaupo sa couch.
Putangina, unang pumasok sa isipan ko ang ginawa niya kagabi!
"Get the fuck out!" sigaw ko.
"Why?"
"Nagtatanong ka pa talaga? Alis na, magbibihis ako!"
"Edi magbihis ka, nakaupo lang naman ako dito."
"Pwede bang lumabas ka nalang at wag ka nang magreklamo?"
"Nakita ko na naman ang katawan mo ah? Ano pang tinatago mo diyan?"
Napanganga ako dahil sa sinabi niya, walang hiya talaga. Padabog akong kumuha ng damit sa closet ko. Kita ko naman na pinapanood niya ang lahat ng galaw ko.
Bumalik ako sa banyo para magbihis, papansin talaga. Ayaw ko nga siyang makita ngayon, ngayon lang!
Lumabas ako na naroon pa rin si Thadeus, umupo naman ako sa harap ng salamin para ayusan ang sarili ko. Nahihiya ako dahil nandito si Thadeus, kasi nga.. naalala ko yung kagabi, hindi talaga siya mawala sa isipan ko.
"Where are you going?" tanong niya.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang purse ko para ilagay ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa shop.
Nilagpasan ko siya at isinara ang pintuan, wala akong plano na i-update siya sa mga gagawin ko sa buhay. Pumasok na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa shop.
Pinilit ko na magtayo ng shop malapit sa bahay, dahil nga madalas akong busy kaya hindi makakayanan ng oras ko kung malayo pa ang shop ko. Gusto ko rin na madalas akong naroon sa shop.
"Good afternoon, Ate Solana."
Binati ko siya pabalik. "Hi, Liliene. How's the shop?"
"Okay naman po, marami pa ring costumer ang pumupunta."
"Ako na ang bahala dito, Liliene. Pwede ka na umuwi." saad ko.
Wala akong gagawin buong araw kaya gusto kong nandito ako shop para hindi masayang ang oras ko, wala naman akong ibang pupuntahan eh.
Binuksan ko ang bag ko at inabot ang envelope kay Liliene, ang nilalaman ‘non ay ang sahod niya. Tinanggap niya naman ‘yon at binuksan pero binalik ulit sa akin.
"Naku, ate! Kakasahod ko lang po noong nakaraan. Masyado pong malaki ‘yan."
Kinuha ko ang kamay niya at ibinigay ang envelope roon. "You deserve it, Liliene. Ikaw lang ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa shop ko."
Napangiti ako nang yakapin niya ako, nagpasalamat siya sa akin. Pumunta naman ako sa office para ilapag ang mga gamit ko.
Maliit palang ang coffee shop ko kaya naman iisang worker lang ang hi-nire ko. I always asked Liliene if she wants any assistant sa loob ng shop at palagi siyang tumatanggi dahil kaya niya raw ang lahat.
Hirap din akong magtiwala sa iba.
Isinuot ko ang apron ng shop at pumunta sa counter. I checked the coffee machines kung may mga kailangan bang palitan dito but someone interrupted me. Tinignan ko naman kung sino ‘yon.
Si Thadeus! hanggang sa shop ko ba naman ay nandito siya?
"Anong ginagawa mo rito?"
"Galit kaagad? O-order yung tao."
"Then what's your order?"
"Isa nga pong assurance at love."
Matamis siyang ngumiti sa akin kaya napangiwi ako, pati ba naman rito ay pinagtitripan niya ako.
"Fuck off." tumawa lang siya.
"Isang coffee espresso." he said
"That will be 120 pesos," saad ko habang nakatingin sa register. He handed me a thousand peso bill.
"Wala ka bang barya? We don't have any changes yet."
"Ayan, barya." saad niya.
"I'm serious, Thadeus."
"Keep the change, miss." aniya at kinindatan ako bago umalis.
Bwisit! Porke't mayaman!
I made his coffee espresso, hindi naman siya mahirap gawin kaya naibigay ko kaagad kay Thadeus ang order niya. Tatlo pa lang ang costumers na nandito.
Madalas mga students ang mga pumupunta rito para gumawa ng school works nila and para lang tumambay.
I checked the pastry area, marami pa naman ang nakadisplay para sa mga costumers. May cookies, brownies and pies pero ang mas hilig ng mga costumers ay drinks. I'm planning to add more pastries.
I opened my phone and scrolled to internet, I want to make a croissant, baka magustuhan ng mga costumers. Medyo risky lang gumawa ng croissant because of it's flaky consistency.
"Hi, miss."
Napaangat naman ang tingin ko nang may costumer na lumapit.
"Hello, sir. What can I do for you today?"
"I'll have the Iced Latte and a piece of chocolate pie."
"Okay, that would be 315 pesos, sir." magiliw kong saad at kinuha ang bayad niya. He gave me 400 pesos, sinuklian ko naman siya.
Hinatid ko ang order niya sa table niya and nadaanan ko si Thadeus doon. Nandito pa rin siya, ano kayang trip neto?
As time went by ay natapos na rin ang araw. Mabenta rin ang shop ko dahil malapit sa school and public places and I'm so thankful for that. Nakaalis na rin si Thadeus, halos dalawang oras siguro siyang nagtagal sa loob shop ko. May ginagawa siya roon kaya hindi niya ako masyadong napapansin.
Nalinis ko na ang shop ko at ni-lock ‘yon. Pagkalabas ko ay nakita ko si Thadeus na nakasandal sa kotse niya, he's waiting for me.
"Dinner?" he's inviting me to eat dinner with him.
He's wearing my favorite t-shirt of him. He looks so handsome as ever.
"Sure." saad ko, I'm starving!
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...