Akala mo ay wala siyang kasamang ibang babae kanina kung makaasta siya sa harapan ko ngayon. Just because he saw me with a guy ay ganito na ang ginagawa niya ngayon.
"Pwede ba? Leave me alone, balikan mo nalang ang girlfriend na kasama mo sa loob."
"Girlfriend? That's my cousin, Solana."
"Wala akong pake kahit sino pa 'yan, basta hayaan mo ako!" sigaw ko at padabog na tinalikuran siya.
May tumulong luha galing sa mga mata ko habang naglalakad papalayo sa kanya, mas pinapahirapan niya ako dahil sa mga ginagawa niya mismo. I don't like pushing him away dahil sobra ang pagmamahal ko sakanya.
Pero hindi na pwede.
Kahit pa dahil sa mga kapatid ko o sa akin, hindi na pwede malabo na.
Gusto ko siyang balikan at yakapin kapag itinutulak ko siya palayo sa akin at sabihing hindi ko gustong sabihin lahat ng lumalabas sa bibig ko pero mas makakabuti ito sa aming dalawa.
Pumara na ako ng taxi para makauwi.
Nasaktan ko nanaman siya.
"Bougainvillea Village po." saad ko at tumango lang ang driver.
Nakatingin lang ako sa labas habang iniisip si Thadeus, ang sakit. Napatigil ako sa pagluha nang napansin ko na nalampasan na namin ang village namin.
"Lumagpas ka na po." saad ko pero parang walang naririnig ang driver.
Nakaramdam naman ako ng mali kaya agad akong nag-panick.
"Let me out!" buong lakas kong sinipa ang sasakyan ng kotse habang sumisigaw.
May inilabas siya at ini-spray iyon sa buong sasakyan, tinakpan ko naman ang ilong ko at sinubukan na hindi amuyin 'yon pero nakaramdam na ako ng hilo. All I can see is dark before I fall asleep.
"T-thadeus.."
♡♡♡♡♡
Napasinghap ako nang may bumuhos na napakalamig na tubig sa akin, bumungad sa akin ang mga sirang sasakyan at iba pang gamit na para bang nasa abandonadong lugar ako.Fuck, I've been kidnapped!
"Gising na prinsesa!" sigaw ng lalaki, masama ko naman iyong tinignan.
They all look so dirty, gusto ko silang mawala sa paningin ko. Nakakadiri sila pati ang mga tingin nila sa akin.
"Galit na ang prinsesa, oh!" lahat naman sila tumawa dahil sa sinabi ng lalaki.
"Tangina mo!"
Napatigil sila sa pagtawa nang marinig ang pagmumura ko. Lumapit sa akin ang isa sa kanila at hinawakan ang mukha ko, hinimas pa niya ito.
"Don't fucking touch me, you dirty old man!"
Sinampal ako ng lalaki.
Halos mamanhid ang buong pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, nang makalingon ako ay dinuraan ko siya. Aamba pa sana siya nang isa pang sampal pero bumukas ang pintuan kaya tumayo siya.
May pumasok na lalaki at agad silang yumuko. Who the fuck is that? Kung nakakadiri ang mukha ng ibang lalaki ay nakakakilabot naman ang mukha nito.
May sunog ang kaliwang parte ng mukha nito.
Lumapit naman siya at umupo para harapin ako. Napapikit ako nang mariin niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.
Not my face!
"Eto pala ang perlas ng mga Sargieno."
Nanatili akong tahimik habang sinusuri niya ang mukha ko, kilala ko ang lalaki na nasa harap ko. Nakita ko na siya sa loob ng mafia namin.
There's a traitor everywhere.
Napadaing ako nang hilain niya ang buhok ko at tinignan niya ang nasa leeg ko. Alam niya na may tattoo ako dahil kasapi siya ng mafia, ngumiti naman siya ng makita 'yon.
"So, you're under protection by Thadeus."
Nakangiti siya habang nagtitipa sa phone niya.
"Let's call your prince."
Hindi nagtagal at sumagot din siya.
"Fuck you, Vega." that was Thadeus voice! "If I saw any scratch on her skin, papatayin kita."
Kaagad niyang pinatay ang phone nang marinig niya ang boses ni Thadeus.
"He already knows na kinuha kita, let's just wait for him."
Inalok pa niya ako ng beer na hawak niya, he's crazy! Kailangan kong makaalis dito. I'm in danger, so as Thadeus.
"Thadeus is so smart pero hindi niya ako kaya, papatayin kita at papatayin ko siya."
Just a couple of minutes the door burst opened. Thadeus walked in, siya lang mag-isa. Nang dumapo ang mata niya sa akin ay nakita ko ang galit doon.
"Oh, Clinton. You're finally here!"
"Release her." he commanded.
"Na-uh, not so fast Clinton."
Vega snapped and all of sudden a group of men attacked Thadeus. I know he can beat all of them, si Thadeus pa.
Mabilis ang naging kilos ni Thadeus, he grabbed the wood beside him at pinukpok niya iyon sa isa. He turned around and kicked the other man's face. Nang makalayo siya ay kinuha niya ang baril niya and started killing those men. Walang emosyon na bumabaril si Thadeus kahit na punong-puno ng dugo ang buong katawan niya.
Tinutok ni Thadeus ang baril kay Vega, he cleared all of the men. Naglabas ng baril si Vega at itinutok iyon sa akin.
Mas binilisan ko na kalagin ang lubid na nakapulupot sa kamay ko, mabuti nalang at may nakita akong basag na bote kanina. Nang matanggal ko ang lubid ay agad akong tumayo at inagaw ang baril ni Vega, itinapon ko 'yon papalayo.
Tatakbo sana ako papalapit kay Thadeus pero nahila ako ni Vega.
"You piece of shit!" sigaw niya habang hila-hila ang buhok ko.
Itinutok niya ang baril sa baba ko kaya napatigil ako at si Thadeus.
"Calm down, baby. Don't be scared."
Namumuo ang luha ko habang nakatingin sa baril na nakatutok sa akin. I am afraid of guns, hindi ko makakayanan kapag tumagal iyon sa akin.
"Kakagawa lang ng buhok ko!" sigaw ko.
Kinagat ko ang kamay niya at tumakbo papalapit kay Thadeus, nang makarating ako sa tabi ni Thadeus ay pinaputok niya kaagad ang baril.
That was loud!
"Traitor." he said.
Itinuon ni Thadeus ang tingin niya sa akin, agad ko siyang niyakap at niyakap niya ako pabalik. Buti nalang dumating si Thadeus, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala si Thadeus.
Ligtas na ako, niligtas niya ako.
Inangat niya ang mukha ko nang mapansin niya na humihikbi.
"I thought I'm going to die because of that gun.."
Binuhat niya ako habang palabas kami sa bodega na 'yon. Dead bodies are everywhere, hindi ako naawa dahil they chose bad things to do.
"Hindi ka pwedeng mawala dahil hindi mo pa ako tinatanggap pabalik."
Naramdaman ko na hinalikan ako ni Thadeus sa noo hanggang lamunin ako ng dilim.
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...