12

4.5K 68 0
                                    

Flashback

"Solana, I love you." Thadeus said between our kisses.

"I love you forever, Thadeus."

Nandito kami ngayon sa Batangas, mayroon silang private resort dito kaya sinama ako ni Thadeus. Hindi alam ng mga kapatid ko na kasama ko si Thadeus dahil iba ang ipinaalam ko sa kanila.

Pumasok kami sa loob ng kubo para magbihis dahil pupuntahan namin ang parents niya, ipapakilala niya ako sakanila.

Kinakabahan ako!

Baka mataas ang expectations ng parents ni Thadeus at hindi ko maabot.

I wore a simple dress and applied some make up. Thadeus love when I wore dresses kaya ito palagi ang gusto kong suot tuwing magkasama kami. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

"You look handsome!" He's wearing a simple white t-shirt pero ang lakas ng dating ‘non, kitang-kita ang naglalakihang dibdib niya.

"And you look gorgeous, my baby."

Napangiti naman ako, he never fails making me blush. That's why I love him, lagi niyang pinaparamdam na ako lang ang maganda sa paningin niya.

Iginaya niya ako papasok sa kotse at nagmaneho na siya papaalis, malapit lang ang bahay ng parents niya rito kaya nakarating kami kaagad.

Sinalubong kami ng parents niya, they both look so elegant. I immediately greeted them.

"Good evening, tito and tita."

Hindi nila sinuklian ang pagbati ko at dumiretso lang kami sa dining hall. Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa, nahihiya tuloy ako.

Nanatili lang akong tahimik habang nag-uusap sila Thadeus at parents niya tungkol sa company nila. I had no interest in handling a company, feeling ko ang lungkot.

"What do you do for living, Solana?"

Napaangat ako nang tingin, nakita kong nakataas ang isang kilay ni Tita Beris habang hinihintay ang magiging sagot ko.

"I just graduated po pero I'm planning to build a coffee shop po, tita."

Tumango lang siya pero she seems unimpressed sa sinabi ko.

Napangiwi ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Nakakahiya! Tumulong na akong maglinis dahil nag-uusap pa naman sila Thadeus at ang dad niya.

Nasa kusina ako nang tawagin ako ni Tita Beris, agad naman akong lumapit sakaniya.

"Solana," pagtawag niya.

"Yes po, Tita?" I smiled.

"Can we talk? In the garden?"

"Sure po," ani ko at sinundan siya.

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan sa labas, naging tahimik kami saglit hanggang basagin ko ang katahimikan.

"Ano pong pag uusapan natin?" I asked.

"Can you break up with my son?"

Napaawang ang labi ko habang tinitignan si Tita Beris, walang emosyon siyang nakaharap sa akin.

"W-why.. tita?"

Tumikhim siya bago magsalita. "As you can see, you're not good enough for my son, Solana. I know me and your mom are friends but it doesn't mean na papayag ako sa relasyon niyo."

"And I'm planning na ipakasal si Thadeus sa iba, sa iba na mas karapat-dapat para sa anak ko." dagdag niya.

Nagsimulang mag-patakan ang luha galing sa mata ko, hindi ako makapaniwala sa lahat ng naririnig ko. I don't want to lose my man, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"I love Thadeus so much, tita.." I begged. "I just graduated, I can be better. For him I'll do better."

Tita Beris let a sarcastic laugh out.

"It's for his own good." 

"Paano pong for his own good? Thadeus loves me and I love him too!"

"The enemy need Thadeus to marry their daughter."

"At papayag kayo?!" hindi ko na nakontrol ang boses ko.

"It's for his own safety, Solana. If you really love my son then you'll let him live."

"There's danger in my son's life, only me, you and his father know this."

"I don't want to lose him.." hikbi ko.

"If he would not marry the girl, he'll be dead. Let my son live, Solana. I love him too."

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hinawakan ang kamay ko. "Alam kong hindi makikinig sa akin ang anak ko kaya sana ikaw na ang kusang lumayo, Solana."

"Please, lumayo ka." saad niya at iniwan akong humihikbi roon.

Inis kong pinunasan ang luha ko, what did I do to deserve this kind of pain? All I want is Thadeus. My life's been miserable at ngayon lang ako sumaya ng ganito dahil kay Thadeus then malalaman ko na may nakaabang pala na kapahamakan kapag ipinagpatuloy namin ang pagmamahalan namin.

Nahihirapan na nga kami sa relasyon namin tapos dinagdagan pa ng mas mahirap na problema na walang ibang solusyon kundi ang sundin ang gusto nila.

I don't want to lose him forever, I don't want him dead.

Hahayaan ko nalang ang nararamdaman ko kaysa habang buhay akong magsisi dahil hindi ko magawang protektahan si Thadeus.

Ako muna ang mag poprotekta kay Thadeus, ako muna. Kahit masakit, kahit parehas kaming masaktan.

I wiped my tears and pumasok sa loob, kahit nasa tabi ko si Thadeus ay nalulungkot ako. Nagpaalam na kaming dalawa sa mga magulang niya, nanatili naman akong tahimik hanggang makauwi kami sa manila.

Hindi siya nagtatanong pero alam kong nahahalata niya na may kakaiba.

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now