Nanatili akong tahimik kahit na naguguluhan ako, gusto ko ng malaman kung sino ang tinutukoy niya. Kinakabahan ako sa malalaman ko, namin. Mukhang hindi maganda.
Buong byahe namin ay tahimik, malalim ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Kuya Cryle. Kahit naman na kulitin ko siya ngayon ay hindi niya para sasabihin.
Lumingon naman ako kay Kuya na tinapik ako, napatingin ako at nandito na kami sa tapat ng village. Inayos ko ang buhok ko at tinanong kami ng guard.
"Saan po sila?" the guard asked.
"Sargieno Residence." Kuya Cryle answered.
"Tatawagan po muna namin sila para makasigurado po, sir."
Pinigilan ni Kuya Cryle ang pag tawag kila Kuya at ipinakita ako ng guard.
"Ikaw pala, mam!"
Pinapasok kami sa loob, nagpasalamat naman kami. Hindi nagtanong ang mga servants namin kung sino ang kasama ko.
Nasa garden si Kuya Hellion kitang-kita ko ang pagtingin niya sa sasakyan na pumasok sa loob ng bahay, bumaba si Kuya Cryle at inalalayan akong makababa sa kotse.
Tumayo naman si Kuya Hellion at niyakap ako nang makalapit sa amin.
"Cryle, you finally showed up you asshole." Kuya Hellion said and Kuya Cryle laughed.
Masama akong napatingin kay Kuya Hellion, alam niyang nandito lang si Kuya Cryle?
"Alam mong buhay si Kuya Cryle?"
"Not really, pero lagi ko siyang nakikitang nakasunod sa ‘yo and he's familiar."
Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa couch, tinawagan niya ang iba pa naming kapatid at si Thadeus. Narinig ko ang sinabi niya na narito ako pero hindi niya binanggit si Kuya Cryle.
Nag-uusap silang dalawa nang biglang pumasok si Thadeus at dali-daling tumakbo sa akin.
Hey, dahan-dahan!" Kuya Cryle said to Thadeus, tumingin naman siya pabalik sa akin.
"Sino yan?" tanong ni Thadeus.
"I don't know, ask him."
"Who are you?" Thadeus asked.
"I'm Solana's fianceé," nakangising saad ni Kuya Cryle.
Gagatungan ko pa sana ang sasabihin ni Kuya Cryle pero hinalikan na ako ni Thadeus sa harap nila.
"Too bad, I'm Solana's husband."
Binatukan naman siya ni Kuya Zach na kakarating lang. Ayan kasi, nanghahalik!
"I'm Cryle Seane Gadshier, what's up?"
"What. The. Fuck?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Kuya Xie at lumapit kay Kuya Cryle, natawa ako nang kinurot niya ‘yon.
"Are really Cryle?" he asked.
"Yes, Idiot."
"You're fucking alive, tanginamo!"
Yumakap si Kuya Zach, ganoon din si Kuya Xie. Natatawa ako habang nakatingin sa kanila, sinenyasan naman ako ni Kuya Cryle kung nasaan si Kuya Hellion.
Tumayo ako at hinila si Kuya Hellion, lumipat ang yakap nila sa aming dalawa. I also pulled Thadeus for a hug.
Nang magkahiwalay kami ay nakayakap pa rin si Thadeus sa akin kaya hinila siya papalayo ni Kuya Zach.
"Sumosobra ka na niyan."
"Tama na muna ‘yan, I need to tell you something." Kuya Cryle said.
"Nakabuntis ka?" sabat agad ni Kuya Xie.
Napairap nalang ako at kinurot si Kuya Xie, ang kulit talaga!
"Be serious, Xiel." Kuya Hellion said. "Continue."
"Our life is still in danger." panimula niya. "Yes, our life hindi lang ang Caizeré Mafia."
"What do you mean? Wala na ang mga Foezeda." Thadeus asked.
"Yes pero hindi lang sila ang kalaban, palihim sila kung magtrabaho, simula bata palang tayo ay napaikot na nila tayo."
Naramdaman ko na mas bumibigat ang atmosphere sa loob ng bahay.
"What the hell.. " sabat ni Kuya Xie.
Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa lahat ng sinasabi ni Kuya Cryle. Bata pa lang kami? Ibig sabihin ay kasama namin ang kalaban na tinutukoy niya, this is bad.
"For these past years, pinapanood ko lahat ng galaw nila habang prinoprotektahan si Solana." he said. "Masyado silang malinis gumalaw kaya hindi mo mahahalata."
Itinuro ako ni Kuya Cryle kaya napunta sa akin ang lahat ng atensyon nila.
"Solana, ikaw ang pinaka target nila."
Nakaramdam ako ng galit, ako talaga lagi ang pinipili nila dahil alam nilang mas mahina ako kaysa sa mga kapatid ko at ako ang pinoprotektahan nilang lahat. Bullshit!
"They killed our real parents and robbed from us." he added.
"Real parents?" tanong ni Kuya Hellion.
"Our real parents are dead simula noong mag isang taon si Solana, they we're killed by them."
"Nagpapanggap lang ang mga taong nakasama natin at nagpalaki sa atin."
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...