39

3.3K 54 0
                                    

Ang lahat ng kinakatakutan ko ay nangyari ulit, nagkita-kita ulit kami sa lugar kung saan nangyari ang lahat.

Timothy pushed me and I heard a multiple gunshots, napapikit ako, accepting my fate. Mamamatay na ako, tapos na ang lahat.

"Solana, don't you dare fall!"

Minulat ko ang mata ko at nakita ko roon si Thadeus at si Kuya Hellion na nakakapit sa magkabila kong kamay, they immediately pulled me up.

They succeeded na maitaas ako, agad kong niyakap si Thadeus habang naghahabol ng hininga, that was close.

"I won't let you do the same thing to my sister, you satan."

Napatingin ako kay Kuya Cryle na hawak-hawak si Timothy sa kwelyo at pinunta siya malapit sa bangin.

Umiiling ang lalaki habang nagpupumiglas.

"H‘wag.. maawa ka.."

Hindi pinakinggan ni Kuya Cryle ang pagmamakaawa ni Timothy at tinulak niya iyon pababa sa bangin.

"Nakabawi rin ako, patas na tayo." saad niya habang nakatingin sa bangin.

"I suffered a lot, nahiwalay ako sa mga kapatid ko at hindi ko naprotektahan si Solana nang dahil sa ‘yo, ngayon mabulok ka sa impyerno."

"Solana, are you okay?"

Ibinaling ko ang tingin ko kay Thadeus na hawak-hawak ang mukha ko, ngumiti ako at tumango.

"Maayos na ako, Thadeus."

Hinalikan niya ang noo ko at umupo sa tabi ko. We all insisted na magpahinga munang lahat dahil papasikat palang ang araw.

We've lost a member of a Caizeré.

Nanatili kaming lahat na tahimik habang hinihintay ang pag sikat ng araw, simbolo ng panibagong bukas.

"Wala na, Thadeus. Wala na." bulong ko habang nakatingin sakanya.

"Yes, baby. We did it, we're free."

Hinalikan ko siya at sakto naman na sumikat ang araw.

Panibagong bukas. Panibagong pangarap. Panibagong kasiyahan. Panibagong pagsubok.

Naglakad na kami papunta sa kotse namin, nahuli kami at nakatingin lang ako sa mga kasama ko ngayon. Lahat kami sugatan at pagod pero nakangiti pa rin.

Nagtagumpay kami, panalo ang Caizeré.

Dumiretso kaming lahat para gamutin ang sugat ng isa't isa at para makapagpahinga ang lahat. Isinandal ko ang sarili ko sa couch dahil kumikirot ang saksak ko sa braso at sa palad ko.

Lahat kami ay may sugat, may mga miyembro rin ang nawala at namatay para maipanalo namin ang giyera na sinimulan nila.

Ang giyerang sumira sa lahat.

Nilibot ko ang paningin ko, lahat kami ay napapalibutan ng dugo sa buong katawan at puro sugat pero mas malalim pa rin ang sugat na ginawa nila sa buhay namin.

"Gagamutin kita." napalingon ako noong magsalita si Thadeus sa tabi ko.

Kinuha niya ang first-aid kit. Sanay na ako sa ganitong paraan ng gamutan na hindi ko na kailangan na pumunta sa hospital.

Nilinisan niya ang sugat ko bago iyon patuyuin, may inilagay siya doon na hindi ko alam kung ano pero para raw iyon sa pagpahilom ng sugat.

"Thankyou, may sugat ka ba?" tanong ko pero umiling lang siya.

"You did most of the work, Solana. That's new to you."

Tumingin lang ako sakanya. "Sinira nila ako, Thad. Ayaw kong maging mahina kung sila ang naging dahilan kung bakit natayo ang Caizeré."

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now