"Thankyou, Thadeus."
I really love this man, I really do. He's everything to me, I can't continue to live without him.
Naglinis kami ulit ng shop at umalis na kami, nang makapasok kami sa loob ng kotse niya ay nagtanong siya.
"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya.
11 pm palang, ayoko pang umuwi pero wala naman akong alam na pwedeng naming puntahan.
"Ayoko pang umuwi eh." tumango lang siya.
"Ako bahala," aniya at nagmaneho.
Binuksan ko ang radio niya habang nagmamaneho si Thadeus, hinawakan niya ang hita ko at hinimas-himas ko. Kahit nagmamaneho lang siya ay ang lakas pa rin ng dating ni Thadeus, sobrang gwapo.
Medyo naging matagal ang byahe namin, tumigil kami sa isang bahay at pinagbuksan naman ako ni Thadeus ng pintuan. Sabay kaming pumasok doon sa bahay.
He have a key kaya nakapasok kami kaagad, pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa akin ang napakagandang interior ng bahay.
"Wow, Thadeus.." manghang saad ko.
"You liked it?" Thadeus asked.
"I love it!" I said happily.
Iginala ako ni Thadeus sa buong bahay, walang tao rito. Wow, sobrang ganda ng bahay, ang laki at ang ganda ng interior ng bahay. Napatingin naman ako sa mga portrait sa dingding at nakita ko na ayon ang mga gawa ko noon.
"You kept all my paintings?" I asked him.
"Yes, pinaframe ko para hindi masira, gawa mo ‘yan eh."
Napatango lang ako, I used to send paintings on Thadeus noong highschool kami dahil nahilig ako roon. Akala ko tinatapon niya ang paintings ko dahil wala siyang reaksyon kapag binibigyan ko siya ng paintings.
"So, you own this house?"
"We owned it, baby."
"Huh? Kasama ako?"
"Sino pa bang ibang makakasama ko sa buhay? E, ikaw lang naman." he said. "Unless ayaw mo na sa akin."
Humawak pa siya sa dibdib niya at kunwaring nasasaktan, napailing nalang ako.
"Paano kung hindi tayo magkatuluyan?"
"Ayan ang hindi pwedeng mangyari." hinalikan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
Pumunta kami sa taas, bawat sulok ng bahay ay maganda. Halatang pinag-isipan ng mabuti. Natapos na kaming maglibot sa bahay na ipinagawa ni Thadeus.
"Nakumpleto itong bahay noong araw na naghiwalay tayo."
Hindi ako nagsalita at hinalikan lang siya.
"I was devastated, gusto kong ipagiba itong bahay but I saw your paintings here. Nabuhayan ako ng loob."
I can't see myself being married to someone who's not Thadeus, tuwing nakikita ko si Thadeus ay naalala ko lahat. Ang nakaraan, kasalukuyan at kinabukasan. Kasama siya sa lahat ng plano ko.
Nakauwi na kami sa bahay at nandoon pa rin sila sa sala, hindi nila napansin na nakalapit na kami. Masyado silang busy sa mga ginagawa nila.
Parang nakahinga sila nang maluwag nang makita nila si Thadeus na kasama ko.
"Bakit parang balisa kayo?" tanong ko.
"H‘wag ka munang uuwi sa inyo, Thadeus. Your dad is in danger, akala namin napahamak na kayong dalawa."
Kapahamakan nanaman? Kailan ba kami titigilan ng tadhana?
"Kamusta siya?" lumambot ang paningin ko nang makita si Thadeus na nag-aalala.
"Hindi pa sila kumikilos pero nasa panganib pa rin ang tatay mo. Mas mabuti kung dito ka muna."
"Your brother and mother." he stopped. "You need to stay away from them, plano nilang patayin ka."
Napatakip ako ng bibig, si Tita Beris? Gustong patayin si Thadeus? Eh, noong nakaraan lang ay nag-aalala siya dahil baka nasa kapahamakan si Thadeus at pinapalayo pa ako sa kaniya. Is she a traitor? Yes, she's a traitor. May masama siyang balak.
"I knew it, hindi niya talaga ako magawang tanggapin." malungkot na saad ni Thadeus at umalis sa sala.
Anak sa labas si Thadeus, namatay ang totoo niyang ina at iniwan siya sa tatay niya dahilan kung bakit muntikang magkahiwalay ang mag-asawa, hindi kasi pwedeng magkaroon ng anak si Tita Beris kaya tinanggap si Thadeus ng tatay niya.
Pumunta siya sa garden, hindi ko na sinubukan na sundan si Thadeus dahil alam kong gusto niyang mapag-isa.
Bakit nangyayari ang lahat ng ‘to? Bakit kailangan na maging masakit at masama ang tadhana? I hate to see Thadeus being sad, nasasaktan din ako.
Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nasasaktan siya, he did his best para matanggap siya ng mommy niya and he thought na tinanggap siya pero that's all an act.
I want to see red, I'll make them pay for what they did to me and Thadeus. Sinaktan nila ang lalaking mahal ko.
I would not show any mercy kapag nahuli ko kayo, sawang-sawa na ako mabuhay sa mundo na puno ng sakit at patayan. All I want is to be in peace with Thadeus.
"Where's my katana, kuya Cryle?"
Napatingin naman silang lahat sa akin.
"What are you planning to do, Solana?" tanong ni Kuya Hellion.
"Where is it?" tanong ko.
"Nasa basement, makikita mo kaagad ‘yon."
Tumango lang ako. Mellisa, Timothy and Beris be ready because you're about to face hell.
Ayoko na maging mahina, I know Thadeus weakness is his family. Ako nalang ang gagawa, kahit ikamatay ko pa.
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...