25

3.7K 67 1
                                    

"Be ready dahil wala tayong sasayangin na oras, patayan kung patayan." Kuya Hellion commanded us.

Nagbihis kami ng damit at isinuot na rin namin ang ear piece namin at mi-nake sure namin na gumagana ‘to. I'm wearing a black top with black pants too, I pick one with a lot of pockets and secret pockets.

Kuya Hellion handed me the Caliber 45 gun, kinuha ko naman ‘yon at kinuha ang iba pang dagger. Inilagay ko ‘yon sa hidden pocket ko.

Lumabas na kami ng basement nang makakuha kami ng mga kailangan namin, itinali ko ang buhok ko ng ponytail at umakyat pabalik sa kwarto ko.

I went to grabbed my favorite weapon, my sister, my Katana.

Bumaba na rin ako kaagad, we already planned kung paano kami kikilos. I'm nervous but I keep my cool, this is not the first time I'm going on a mission with them. But this is the first time na lalabas ako at may baril na armas.

I grabbed the laptop dahil ako ang nakatuon doon. Ate Anya is here too, nakatingin lang ako sa laptop, waiting for them to move.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong naka-freeze ang cctv kaya tinignan ko rin ang iba pang anggulo ng cctv. Parehas lang katulad ng kanina, this is not good. We've been tricked.

I told my brothers to stop for a while, may inaalala ako. I knew I gave something to Ate Portia on her birthday, the pearl earrings! I opened my phone and put the earrings data on my laptop. Kuya Zach asked me to put a tracking device on her earrings.

It take a while pero nahanap ko na siya, that's why I feel something is wrong. Wala siya sa Foezeda old hotel building kung hindi nasa Cadena Residence, I know where that is. I tried to hack their cctv pero this time ay nahirapan ako sa pagpasok.

They're not dumb at all.

They really know how to play their dirty games, I'm surprised. Naalala kong hindi sila kasapi ng mafia kung ganoon ang gawa nila.

Hindi na kami nag aksaya ng oras at agad na pumunta sa location kung nasaan siya, nakapasok din ako sa cctv nila with the help of Thadeus.

We finally arrived at the Cadena Residence, the house looks so pretty, hindi mo aakalaing may taong kinid-napped sa loob ng bahay na ‘to. Naghanap kami ng pwedeng mapasukan at no choice kami kung hindi sa main gate pumasok.

Pinapasok ang kotse namin, I can see their gun na nakatutok sa amin. They tried to see who's inside the car pero tinted ang sasakyan namin. Itinabi ko ang laptop at hinugot ang baril ko at inihanda ang sarili ko.

"Is my Katana okay?"

Tumango naman si Thadeus kaya ngumiti ako. Mahirap na at baka mahulog ang dala-dala ko.

When everyone is ready ay binuksan na namin ang pinto ng kotse, I immediately kicked the man in front of me then shot him.

Lahat ng baril na hawak namin ay naka silencer, pinapaputukan namin ang lahat ng tao na nakaharang sa daanan namin.

I'm behind Thadeus.

Kakaunti lang ang tao rito sa labas kaya we already expected na marami ang tao na nasa loob. Sa back door kami pumunta ni Thadeus habang sila Kuya Hellion ay nasa main door at sila Kuya Zach at Kuya Xie naman ay sa kitchen door.

Dagger ang bumungad sa amin pagkabukas palang sa pintuan.

"Shit, be careful!"

Iginilid ako ni Thadeus at pinaputukan ang lalaki, nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. I closed the door at pinaputukan pa ang ibang armadong lalaki.

Nang ma-clear namin ang area na ‘yon ay napunta kami sa sala. We saw Kuya Hellion talking with someone, his face screams author pero mas lamang si Kuya Hellion.

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now