31

3.2K 55 0
                                    

"Here, eat this para gumaan ang pakiramdam mo."

Inabot niya sa akin ang ice cream, napangiti naman ako at umupo siya sa tabi ko. He opened the tv, ganito kami palagi. Manonood kami hanggang maging maayos ako.

Thadeus is my comfort person, ang pahinga ko nakakapagod na mundo.

"Let's go outside for dinner."

Gusto ko lang bumawi sa pagiging rude ko sakanya, ayaw pa nga niya pumayag dahil sanay na raw siya sa ugali ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi eh, pero napilit ko naman siya.

Isinuot ko ang sumbrero at shades na binigay niya, mahirap na dahil hindi pa humuhupa ang balita tungkol sa amin kahit na wala na si Iseah ay buhay na buhay pa rin ang balita.

Sinabi nila na suicide ang nangyari kaya mas ina-attack kami ng tao.

Kuya Xie hacked the facebook account noong nag-post and he deleted it, he also post something on it to be clear, may mga naniniwala at may mga hindi rin pero kailangan pa rin naming mag-ingat.

We both decided na pumunta nalang sa shop ko dahil mas safe doon, I'll just bake something for him. Nang makarating kami sa loob ng shop ay binuksan ko kaagad ang kuryente at ni-lock ang pintuan pati ang mga bintana.

I opened the machines at sabay kaming pumunta sa kitchen, Thadeus helped me to prepare the ingredients and tools that we needed, natagalan pa kami dahil lagi siyang may banat sa mga gamit.

"Mixer ka ba?"

"Bakit?" nakailang ulit na ako sa salitang ‘to.

"Sa ‘yo kasi umiikot ang mundo ko."

Napailing nalang ako dahil sa sinasabi niya, I'm going to make him a cookies, he wants to join me.

"Sali ako," ngumuso siya. Napakacute naman ng baby ko.

"Pilitin mo muna ako." pang-aasar ko pero hinalikan niya ako.

"Madaya ka, sabi ko pilitin mo ako. Hindi ikiss!" kunwaring galit ko.

"Ayaw mo na pala sa halik ko?"

Natawa ako at pinatulong siya sa pag-gawa ko ng mixture.

"Bakit kailangan ng itlog?"

"Bakit ganyan itsura ‘nan?"

Habang ginagawa namin ang mixture ng cookies ay tanong siya nang tanong. Hindi ko naman nasasagot ang ibang tanong niya, ewan ko kung saan niya napupulot ‘yon.

Nilagay na namin ang nagawang cookies sa loob ng oven, habang nag-hihintay kami ay nakita ko si Thadeus na may kinuha roon sa natirang mixture.

"Ang seryoso mo naman!" ani niya at pinunas iyon sa mukha ko.

"Thadeus!" sigaw ko.

Kumuha rin ako galing doon sa bowl at pinunasan ang mukha niya. Nagpunasan kami ng mukha, akala ko titigil na siya pero kumuha pa siya ng flour at inilagay ‘yon sa buhok ko.

Kumuha rin ako at binato siya, naghabulan kami hanggang sa labas ng kitchen. Sobrang dumi na namin at ng shop ko.

Tumigil siya at hinarap ako. Pinunasan ko siya ng harina sa mukha at hinalikan niya ako.

"Tamis." he said. "Mas matamis pa labi mo kaysa sa cookies."

"Ah, so hindi masarap ang cookies ko?"

"Hindi ah, ang sarap kaya ng cookie mo, sobra."

Nakangisi siya habang sinasabi ’yon,natawa naman ako at pinisil ang ilong niya. Bumalik na kami sa kitchen para i-check ang cookies.

Naghilamos na rin kami ng mukha dahil nang lalagkit na talaga kami, he insisted na siya na ang maglilinis ng kusina pero tumulong pa rin ako.

"Magkasama talaga tayo sa hirap at ginhawa, Solana." ani niya sa gitna ng paglilinis namin.

"Tama na, maglinis muna."

"Okay, mommy."

Saktong pagkatapos naming maglinis sa kitchen ay tumunog na ang oven, kumuha ako ng mitts para kunin ang cookies na nasa loob. We waited until mag cool down ‘to.

Nang mag cool down na ang cookies ay inilagay ko na ‘yon sa plato, umupo naman kami no Thadeus sa isang table. Gumawa rin ako ng inumin para sa aming dalawa.

He took a bite at nalukot ang mukha niya.

Tinikman ko naman. "Bakit, ayos naman ah?"

"Masarap pero nalulungkot ako."

"Bakit?" tanong ko habang kumakain ng cookies.

"Dahil marami ng nakatikim ng gawa mong cookies pero dapat ako lang ang titikim sa cookie mo."

Double meaning para sa akin.

"Ewan ko sayo, Thadeus." saad ko. "Baka nga magsara na ‘tong shop ko."

Tumigil siya sa pag-inom. "Bakit naman?"

"Walang gustong pumunta sa shop ng owner na may issue."

"Tch, dami nilang alam. Buksan mo lang ‘tong shop mo, ako ang bibili lahat ng paninda mo. Basta, i-pursue mo ang passion mo, I know how much you love baking."

"Hindi ko hahayaang mawala lahat ng pinaghirapan mo dahil lang sa isang post na ‘yan."

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now