Flashback Continuation
Nang makauwi kami sa manila ay hindi kami dumiretso sa bahay, kundi sa condo naming dalawa. Madalas kami rito kapag wala ang mga kapatid ko para magkasama kami, nauna akong pumasok sakaniya, sumunod naman siya sa akin.
"Baby, what's wrong?"
"Aalis na ako, Thadeus."
"What do you mean, baby? Diba bukas pa ang alis mo sa condo?"
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga damit ko sa bag ko, kukunin ko na ang lahat ng gamit ko.
"Why are you packing your things?"
"I'm leaving.."
"Tangina, aalis ka lang pero bakit may dala kang bag?"
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at iniharap niya ako sakaniya.
"I'm breaking up with you."
Biglang kumunot ang noo niya habang diretsong nakatingin sa akin, naguguluhan siya pero ayaw niyang magtanong.
"No, you're not.." kinakabahan niyang saad.
Napikit ako nang bigla niya akong yakapin, hinagod pa niya ang likuran ko. I'm sorry, baby. I'm sorry, Thadeus. Pinipigilan kong hindi umiyak habang pilit na tinatanggal ang braso niya na nakayakap sa akin.
"Please, h'wag mo akong pahirapan."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin pero nakahawak pa rin sa balikat ko.
"Pinapahirapan? Ni-hindi nga kita pinapagalaw dito sa condo natin, anong pinapahirapan?" a tears fell out from his eyes. "Baby, don't leave me.."
"Bitaw na, Thadeus."
Imbis na bumitaw siya ay lumuhod siya, napaiwas naman ako nang tingin nang pagsaklupin niya ang palad niya.
He's begging, kahit gulong-gulo siya ay pinapakiusapan niya pa rin ako.
"What did I do wrong, baby? Please tell me, may nagawa ba akong hindi mo gusto? H'wag mo naman akong iwanan, oh."
Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa kaniya, ang sakit. Patawad, Thadeus.
Umalis ako sa pwesto ko at nakita ko siyang natumba sa pagkakaluhod niya. Dire-diretso lang akong naglakad habang palabas ng condo.
Nahabol niya ako at niyakap ng mahigpit, nagpupumiglas naman ako.
"S-solana.." his voice broke.
Tinakbo ko kaagad ang elevator para hindi niya ako maabutan.
Nang makapasok ako sa elevator ay agad kong pinindot ang button para mag-sara ang pintuan. Bago pa mag-sara ang elevator ay nakita ko siya na pulang-pula ang mukha dahil sa kakaiyak, then the elevator door closed.
Agad akong napaupo ng makita ko ang itsura ni Thadeus. I hurt my man, I hurt Thadeus. Sorry, mahina ako, I can't do something to stop danger from hunting you, Thadeus. Ito lang ang kaya ko.
Ito lang ang alam kong paraan para makasama kita kahit na malayo ka.
Kahit na masakit, kahit na parehas tayong nasaktan. Patawad, mahal na mahal kita.
End of Flashback
♡♡♡♡♡
"You hurt me, Solana."
I know, baby. I know.
"Yet, I still love you. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan babalik at babalik pa rin ako sa 'yo." his words are full of sincerity.
"Maraming babae diyan, Thadeus. Hindi mo ako kailangan."
I don't want him to see with other girls but if it's the only way to save him then I rather suffer. Lalayo ako kung kinakailangan.
"I do need you, Solana. Kahit ilang babae pa ang lumapit sa akin. Kung hindi sila Ikaw ay ayoko, ikaw lang ang babaeng gusto at mahal ko, Solana. Ikaw lang."
"Hindi na kita mahal, Thadeus."
Mahal na mahal kita.
"I don't care if you don't love me, Solana. I love you and I want to be with you, kahit sa pag protekta nalang sa 'yo."
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, Thadeus. Mahal kita higit pa sa sarili ko.
Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman 'yon at umalis na kami sa garden.
Nagmaneho lang siya pabalik nang tahimik, I don't want to disturb him just to say I'm hungry pero huminto siya sa isang fast-food chain. He didn't bother to ask me kung anong gusto ko dahil alam kong alam niya ang gusto ko.
He handed me the food, napangiti naman ako. He still knew my favorites, huminto lang kami saglit para kumain. Pagkatapos ay nagmaneho siya pabalik sa bahay, akala ko papasok pa siya pero hindi na pala.
Bumaba lang siya ng sasakyan para halikan ang noo ko at nagmaheno na ulit papaalis, nakita ko kaagad ang mga kapatid ko na nakaabang. Mukhang hinihintay ako.
"Saan kayo galing ni Thadeus?" Kuya Zach asked.
"Sa garden paradise." sagot ko at pasalampak na umupo sa couch.
Pagod na pagod ang utak ko.
Gusto kong balikan lahat ng pangyayari, ang hirap ng sitwasyon namin. Kahit ilang beses kong iwasan si Thadeus ay alam kong mahuhulog at mahuhulog pa rin ang loob ko sakaniya.
Bakit pa kasi kailangan na mangyari sa amin 'to? I want to live a peaceful life with him.
Ayaw ko ng ganito na nagkakasakitan kaming dalawa para protektahan ang isa't isa.
"May gusto ka bang sabihin?" Kuya Hellion.
"Huh.. wala?"
"What's bothering you, Solana?" tanong niya. "Si Thadeus ba?"
"Yes," I can't lie to them, especially to Kuya Hellion.
"Tell me about it, makikinig ako."
I told them about what happened earlier with Thadeus, nabanggit ko rin kung bakit kami naghiwalay noon. Kung bakit ako nasasaktan tuwing nakikita ko siya na nasasaktan na ako ang dahilan. Hindi nila ako kwinestyon kahit na umiiyak ako, nakikinig lang sila sa akin. Ni-isa sa kanila walang kumontra sa mga naging desisyon ko.
"You really love that jerk, don't you?"
Ngumiti naman ako at pinunasan ang mukha ko. "I do, kuya."
Ginulo niya ang buhok ko at inilapit ako para isandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Gagawin ko ang makakaya ko para hindi matuloy ang kasal na sinasabi mo." saad ni Kuya Hellion. "You're brave, Solana."
"Ikaw lang? Ako din 'no!" Kuya Xie.
"Magpapatalo ba ako? Siyempre, susuportahan ko kayo, kasama ako!"
They all gave me reassuring smile, lumapit naman ako sa kanilang lahat para yakapin sila. I'm so grateful to have a brothers.
We spent the night sharing story to each other, nakapag-bonding kami ulit.
I don't know how I'll survive without these men's, masayang-masaya ako na sila ang naging mga kapatid ko.
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...