Epilogue

5K 95 12
                                    

Napatingin ako kay Solana nang pumunta siya sa mga kuya niya dala-dala ang stuff toy niya.

Napaka-kulit na bata, daig pa ang lalaki kung makapag-salita.

Laging nakasigaw! Ayoko sa palasigaw!

Sinundan ko ito nang tingin.

"Sali nga kasi ako!" sigaw niya.

"Thadeus, dito ka!" tawag ni Hellion sa akin.

Bumaba ang tingin ni Solana sa hawak kong  baril na laruan at nagliwanag ang mukha niya.

Hindi ito pinansin ng mga kuya niya kaya ako naman ang kukulitin.

Sinubukan niyang kuhain sa akin ‘yon pero hindi siya nagtagumpay.

"Damot!" dabog niya at pumasok ng bahay.

Napailing nalang ako, si Solana ang nakakabatang kapatid nila Hellion na kaibigan ko, halos araw-araw na siguro ako dito sa bahay nila para makita ang batang babae.

May crush siguro ako sakanya.

"Bago ang baril mo ah?"

Napangisi ako sa sinabi ni Zach, itinaas ko pa ang baril ko habang tinitignan ang reaksyon nito.

"Laro. Kapag nanalo ako, akin na ang baril mo." singit ni Hellion.

"Basta, kapag nanalo ako ay sa akin na ang kapatid mo."

Agad naman akong kwinelyuhan ni Hellion nang marinig na ‘yon, nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Nilabanan ko lang ang tingin ni Hellion.

"Kuyaaaa!" si Solana.

Kung hindi siguro dumating si Solana ay nasuntok na ako ni Hellion.

"Umayos ka, Clinton." nilagpasan ako nito.

Bumaling ang tingin ko kay Solana.

Nanlambot ang panintin ko nang makita ko ang hawak niya.

Litrato ng kuya niya. Ni Cryle na kaibigan ko rin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Cryle simula nang makuha kami ng mga lalaki. Mukhang hindi naman nila hinahanap si Cryle.

Pinabayaan nila ito. Nagkukunwari lang sila.

"Solana, itabi mo nga ‘yan!" sigaw ni Zach.

Naluha naman ang batang babae at patakbong umalis. Hahabulin ko sana pero naunahan ako ni Xiel.

__

Magmula nang makita ko kung gaano kalungkot si Solana ay mas naging determinado na akong protektahan siya. Simula nang mawala ang kaibigan ko na kapatid nila ay pakiramdam ko ay mawawala rin siya sa akin kapag nawala ang tingin ko sakanya.

Hanggang sa mag high school kami ay nakabuntot ako kay Solana. Mas matanda ako sakanya pero lagi akong nakatambay sa building nila.

"Bibigay ko ‘to kay Solana, bro."

Napalingon agad ako nang marinig iyon. Ibibigay kay Solana? Hindi ba nila halatang binabakuran ko ito?

Lalagpasan sana ako ng lalaki pero hinarang ko ito.

"Hindi mo ibibigay ‘yan kay Solana, naiintindihan mo ba?"

Nanginginig na tumakbo ang lalaki. Pasalamat siya at hindi ko siya nakwelyuhan.

"Hoy, Thadeus!"

Napangiti ako nang makita siya na nakangiti sa akin. What a goddess.

"Tara," saad ko at inakbayan siya papunta sa kotse ko.

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now