28

3.1K 61 0
                                    

Tinawag ako ni Kuya Cryle para kumain, narito kami ngayon sa Bulacan pero mamaya ay aalis kami para pumunta sa mga nag-adopt at tumulong sa kaniya.

Nung una nga ay hindi pumayag si Kuya Cryle dahil hindi pa raw ako nakakapagpahinga pero pinilit ko siya dahil gusto kong makita ang mga tumulong sa kuya ko. He told me not to contact anyone.

"Hindi na ako magtataka." natatawang saad niya.

"Eh, bakit naman?"

"Bata pa lang tayo gusto ka na ni Thadeus."

Uminit ang pisngi ko dahil doon, nakwento ko sakanya ang lahat ng nangyari sa amin ni Thadeus, akala ko nga ay magugulat siya dahil si Thadeus 'yon pero natawa lang siya sa sinabi ko.

"Magaling bumakod si Thadeus, lahat ng lalaking lumalapit sa 'yo sinusuntok niya."

Hindi naman ganoon si Thadeus ngayon, feeling ko nga hindi siya nagseselos eh!

Naghain na si Kuya Cryle ng niluto niya na adobo. Kumain naman kami ng sabay.

"In fairness, Kuya. Masarap siya."

"Buti naman kasi diyan nahulog yung butiki, lasang manok pa naman."

"Yuck, totoo?" nandidiri kong sabi.

"Malamang, hindi." tumawa siya. "Pero may ipis diyan."

Napairap nalang ako. "Whatever, Kuya."

Tumawa siya ng malakas kaya napangiti ako. Nandito na nga talaga ang kuya ko, siya nga talaga.

Nagpalit ako ng damit, binilhan pala ako ni Kuya ng dress dahil madalas niya raw akong nakikita na naka-dress.

Hindi naman kami nagtagal at pumunta na kami sa bahay ng adoptive parents niya, kinakabahan ako habang papunta kami sa bahay nila. What if hindi ako magustuhan ng mga parents ni Kuya?

Bumaba kami sa kotse at naroon sa may main door ang mga magulang niya.

"Good evening. Mom, Dad."

"Hi, good evening po. Ma'am, sir."

Mahina silang napatawa. "You're shaking, Solana."

"I-im sorry po, kinakabahan lang po."

"You can call us Mom and Dad too, if you want."

Inilahad ko ang kamay ko. "I'm Solana Sargieno po."

"I'm Sonia Gadshier and this is my husband, Valemir Gadshier." pakilala nila bago kami pumasok sa loob.

Muntik na akong mag-laway dahil sa mga pagkain na nakahanda, buti nalang ay pinansin ako ni Kuya Cryle para umupo sa tabi niya.

Kinamusta at tinanong nila ako tungkol sa buhay, she even asked kung kamusta ang iba pa naming mga kapatid at sinabi ko naman na maayos sila at hindi pa nila alam na kasama ko si Kuya Cryle.

"It's must be tough for you."

Ngumiti lang ako, we ate our dinner peacefully. Kuya Cryle decided na as soon as possible ay makauwi na ako dahil may kailangan siyang sabihin sa kapatid namin.

Nakwento rin nila kung paano nila nahanap si Kuya Cryle sa property nila na unconscious at dinala nila sa ibang bansa para ipagamot. Palipat-lipat daw sila ng hospital noon para maipagamot si kuya.

His parents are part of mafia too, we left early dahil may kailangan pang puntahan ang mga parents ni Kuya Cryle. Habang nasa byahe kami ay tumingin ako kay Kuya Cryle.

"Magkakasama na ulit tayo, Kuya Cryle. Wala ng panganib dahil wala na ang mga Foezeda."

"Hindi, pero may isa pang panganib, Solana." saad niya. "H'wag tayong maging kampante."

"Huh, sino?" tanong ko, ang alam kong matinding kalaban namin ay ang mga Foezeda dahil simula nang maitayo ang Caizeré mafia ay hindi na kami tinantanan ng mga Foezeda.

"Malalaman mo rin kapag nakauwi na tayo." he said. "Uuwi na tayo sainyo, ngayon."

"Hindi dapat tayo mag sayang ng oras habang nagpapagaling ka ay dapat magplano na tayo or else lahat tayo ay mamamatay."

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now