27

2.9K 64 2
                                    

Napadaing ako nang maramdaman ko na kumikirot ang ulo ko. Inilibot ko naman ang tingin ko sa kwarto, hindi ko ito kwarto.

"S-shit.." daing ko.

Nasaan ako? Nasaan sila Thadeus?

Tatayo sana ako nang may pumasok na isang lalaki sa kwarto, napatingin ako roon. He look familiar and at the same time ay hindi ko siya maalala.

"Thanks God, you're awake!"

"Huh?.."

"You've been sleeping for four days."

Apat na araw? Ang huling naalala ko lang ang malakas na pagsabog noong nasa misyon kaming lahat.

"Nasaan ba ako? I need to go home."

Tumayo ako pero natumba kaagad, tinulungan naman ako ng lalaki.

"This is your home." 

"No, hindi nga kita kilala."

"I'm your husband!"

"Hindi ako tanga, wala akong asawa."

Tarantado ata ‘tong lalaki na nasa harapan ko, tingin niya ba wala akong naalala?

"Don't you recognize me, Solana?"

"No, sino ka ba?" masungit kong tanong.

"Kilalanin mo ako, alalahanin mo."

Napairap ako nang umalis ang lalaki, hindi nalang kasi magpakilala at ang dami pang arte! Binigyan pa ako ng gawain.

Kamusta kaya sila Thadeus? Nandito rin kaya sila?

Pinilit kong maglakad, gawa sa kubo ang bahay na tinutuluyan ko at dapat akong umalis dito. Mahirap na at baka masamang tao pala ang lalaki na ‘to pero bakit niya ako kilala? Bakit hindi na lang siya magpakilala?

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko ang lalaki na nanonood ng tv, nakita niya ako at dali-daling inalalayan.

"H‘wag na, kaya ko."

"Hindi kaya!" may pang-aasar sa boses ng lalaki.

Feeling close ‘to.

Nanood din ako sa pinapanood niya nang makaupo ako, hindi ko alam pero feeling ko ay ligtas ako kapag kasama siya. May iba sa presensya niya, komportable kaagad ako sakanya.

"Anong nangyari sa akin?" tanong ko.

"Naabutan ka ng pagsabog ng bomba." he said. "Bago ka pa matusta ay kinuha na kita."

Napasimangot ako. "Wow ha?

"Teka, anong ginagawa mo roon?"

"I'm protecting you, sinusundan kita."

Napalayo naman ako sa lalaki.

"Are you a stalker? Kaya kitang patayin."

"No, haha."

"Okay and thank you. Siguraduhin mo lang." saad ko.

"Kailangan ko na umuwi baka hinahanap na ako sa amin."

Itinuro niya ang tv, may news na lumabas doon tungkol sa akin. "Yan oh, hinahanap ka talaga." tumatawang saad niya.

"It's not funny, pwede mo ba akong iuwi para makita ko na ang mga kapatid ko?"

"Damn, sila gusto mong makita at makasama pero ako hindi, sakit."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Cryle, it's me Cryle."

Natigilan naman ako, I let a nervous chuckle out.

"No, you're not!"

"I am, Solana." he said.

"Stop making nonsense! What makes you think that you're my brother?"

"Bakit mo ginagaya ang identity ng kapatid ko? Do you want to be dead?"

"Because, I am." agad kong inangat ang manggas ng damit niya, doon nakita ko ang birthmark na kaparehas ng sa akin.

Napailing ako habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha ko.

"Matagal na akong naging patay, Solana. Hindi tatalab sa akin yan."

"No.. y-you're.. my kuya?" humihikbi kong saad. "You're m.. how?"

"I'm willing to do DNA kung hindi ka naniniwala, Solana but I survived." he tried to hug me pero umiwas ako.

Itinuro ko siya. "Kung ikaw nga ang kapatid ko ay bakit ngayon ka lang? sigaw ko. "Bakit ngayon lang?"

"I'm always with you, Solana. I always watched you and I am the one who saves you in danger. I need to hide para malaman kung sino ang kalaban sa hindi at ngayong alam ko na ang lahat ay nagpakita na ako."

Niyakap niya ako, umiyak ako nang umiyak habang nasa bisig ni Kuya Cryle. Umasa akong buhay ang kuya ko, hindi ako sumuko at ngayon ay nandito na siya sa harapan ko.

My Kuya Cryle, it's really him.

Nararamdaman ko rin ang lukso ng dugo ko noong nakita ko siya.

Humiwalay ako at tinignan ang mukha niya, ibang-iba noong huli ko siyang nakasama. I can't believe na palagi lang siyang nandiyan sa tabi noong mga nakaraang taon.

Tinanong ko siya tungkol sa lahat ng nangyari sakanya at sabi niya lang ay sasabihin niya ang lahat kapag maayos na ako. I need to stay here hanggang sa gumaling ako, sasama siya sa akin pauwi para masabihan niya rin sila kuya.

My kuya is finally back, my kuya Cryle is here. After years of waiting, he is here.

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now