15

3.8K 78 1
                                    

Flashback

"Huy, Timothy! Bakit inaaway mo kuya ko?" matapang na sigaw ko at sinuntok siya.

Napahawak naman siya sa tiyan niya at galit na tumingin sa akin, he was about to punch me when his brother Thadeus stepped in to stop him. Dinilaan ko naman siya at umalis.

Bumalik na ako palapit sa mga kuya ko at sumali sa nilalaro nilang baril-barilan na may kasamang mga teddy bear, babarilin namin ‘yon at kapag natumba ay panalo ka.

Masaya kaming pito na naglalaro. Ako, si Kuya Zach, Kuya Hellion, Kuya Cryle, Kuya Xie, Thadeus at Timothy not until may mga armadong lalaki ang lumapit sa amin at pilit kaming pinapasakay sa loob ng van.

Kuya Hellion and Thadeus tried to fight back pero walang magagawa ang bata na katulad nila, they captured us.

Nagising kami sa madilim na bodega, agad akong tumakbo papalapit kay Kuya Cryle, niyakap naman niya ako.

"I'm scared po.."

"I'm here, princess. I'll protect you."

He's the sweetest among my brothers, palagi siya ang kasama ko kahit saan.

"We'll protect you, Solana."

Napatingin ako kay Thadeus na nasa tabi ko. Kung hindi ako nagkakamali ay apat na taon ang tanda niya sa akin.

Bigla namang bumukas ang pinto at may inilapag silang iilang pagkain doon.

"Kumain muna kayo bago namin kayo patayin." tumatawang saad ng lalaki bago umalis.

Kuya Hellion felt angry, siya ang pinakamatapang sa aming lahat.

Kinuha naman ni Kuya Cryle ang pagkain at sinubuan ako. Tahimik lang kaming lahat na kumakain, hindi ginalaw ni Kuya Hellion ang pagkain niya.

Nakaidlip kaming lahat at nagising ako dahil sa ingay, pumasok ulit ang mga lalaki at kinuha kami isa-isa, sinubukan naming kumalag pero walang epekto ‘yon.

Agad akong nagtago sa likod ni Kuya Cryle nang makalabas kami, puno ng iba't ibang armas ang nasa paligid namin. The screen infront of us opened at ipinakita roon ang mga magulang namin na hinahanap kami.

Napaiyak naman ako nang makita ko ang mommy ko kaya hinila ako ng lalaki.

"Ayaw ko sa lahat ang maingay!" he said and slapped me.

Napaupo ako sa sahig dahil sa hilo na nararamdaman ko, namamanhid ang pisngi ko.

"Isa pang ingay at lahat kayo patay!"

Dinaluhan ako ni Kuya Cryle nang makaalis ang mga armadong lalaki, nag pulong-pulong naman ang iba. They're planning to escape.

Hinintay namin na makatulog ang dalawang lalaki na nagbabantay sa amin bago kami tumakas. Naiwan kasi nilang nakabukas ang gate at tatlo lang isa, ang isa ay narinig namin na umalis gamit ang sasakyan.

Nang matiyak namin na tulog na sila ay dahan-dahan kaming lumapit sa gate, mabuti nalang at maliit lang ang bodega, gubat ang bumungad sa amin. Walang nagsasalita sa amin habang naghahanap ng daan paalis sa gubat na ‘to.

Not until we heard gunshots.

Kuya Hellion immediately grabbed me at ipinahawak ako kay Kuya Cryle, tumakbo kami. Tanging takot lang ang nararamdaman ko noon.

Narinig namin ang mga yapak papalapit kaya nagtago kami sa mga damuhan but Timothy got caught by them, Thadeus and Kuya Hellion immediately run to help Timothy. Thadeus grabbed a rock at ipinukpok ‘yon sa tuhod ng lalaki habang hinampas naman ni Kuya Hellion ang lalaki gamit ang kahoy na napulot niya.

Nabitawan ng lalaki ang baril na nakatutok kay Timothy, malapit sa akin ang baril kaya kinuha ko ‘to. I knew how guns work but I don't know how to use it properly.

Sinubukan kong ikasa ‘yon sa lalaki na walang kamalay-malay na may hawak ang baril, papunta siya kila Thadeus na nakatingin sa akin.

"Go, Solana!" sigaw ni Kuya Hellion.

Napapikit ako nang iputok ko ang baril sa likod ng lalaki, natumba siya at napaluhod ako.

I killed him.

Nilapitan ako ni Kuya Cryle and he gave me a reassuring smile.

"Prinotektahan mo lang ang sarili mo, Solana. It's okay."

Hindi na kami nag aksaya ng oras at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

We heard a scream and gunshots again.

"Lumabas na kayo, mga tanga!"

Magtatago sana kami pero huli na dahil nakatutok na ang baril niya sa amin. He was about shot one of us but we already heard a police siren. Dali-dali namang kumaripas ng takbo ang lalaki.

Napangiti ako nang makita ko ang mga pulis, we're finally saved!

Nilingon ko si Kuya Cryle and I saw how Timothy pushed him down the cliff, I frozed. Dahan-dahang napawi ang mga ngiti ko, kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa niya.

"Aahhhhh!" sigaw ko at pumunta malapit sa bangin.

Halos malula ako ng makita ko kung gaano kalalim ang bangin.

Hinarap ko si Timothy at sinampal siya.

"Solana!" sigaw ni Thadeus.

Nanlalabo ang paningin ko habang hinihila ko ang kwelyo ni Timothy.

"Why did you push my kuya?!" galit na sigaw ko.

Dumating ang magulang namin at nawalan ako ng malay.

And that's the day my bestfriend died, wala na si Kuya Cryle, my savior.

Our biggest nightmare, my biggest nightmare.

At doon nagsimula ang lahat, nabuo ang Caizeré Mafia, the strongest mafia.

Shattered (Completed)Where stories live. Discover now