Simula kahapon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Kuya Hellion. Alam kong galit na galit siya sa akin kaya hinayaan ko muna na maging kalmado siya bago ko siya kausapin.
Kakausapin ko sana siya kaninang umaga pero pinigilan ako ni Ate Anya dahil sa sinabi niyang galit pa rin daw ang Kuya.
Umuwi na rin kami galing sa resort pero dahil nga sa nangyari ay naging dalawang araw lang ang stay namin doon.
Nandito kami ngayon sa living room, nanonood ng action movie. Madalas kaming dalawa ni Kuya Hellion ang nanonood ng ganito, ito ang nagiging bonding namin na kahit strict siya ay may soft spot pa rin siya para sa akin.
Pero ngayon, sina Kuya Xie ang kasama ko habang si Ate Anya naman ay natutulog sa kwarto.
Napaangat ang tingin ko nang maaninag ko si Kuya Hellion na tumayo at pumunta sa kusina, sumunod naman ako rito.
I need to apologize.
Ito na siguro ang pinakamalaking kasalanan na ginawa ko sakanila. Nagalit din sa akin sina Kuya Zach at kinausap ako tungkol sa kung ano ang namamagitan sa amin ni Thadeus.
We're open to each other kaya ganoon nalang ang disappointment na naiparamdam ko sa mga kapatid ko.
"Kuya.."
Malamig niya lang akong tinapunan ng tingin habang umiinom ng tubig. Padabog niyang ibinalik iyon sa loob ng ref, aalis na sana siya pero nagsalita ako.
"I'm sorry, kuya.."
Nakayuko ako pero nakita ko na huminto ang dalawang pares ng paa niya, humarap naman siya sa akin kaya umangat ako ng tingin.
"You broke my trust, Solana."
"I know, Kuya. Sorry nagtago ako sa inyo, I'm sorry. Lalayuan ko na siya."
"But you had his mark, Solana." he said. "That asshole marked you."
"Hindi niya ako pwedeng angkinin.
"He can," lumapit siya sa akin. "You're part of the mafia, Solana. That means he can own you."
"I'm just part of the mafia, I don't even know how to use a gun properly!"
Totoo naman, hindi ako gumagamit ng baril kahit na pilitin nila ako. I guess I am a mafia because of my brothers. I'm amateur in guns.
"You're right, kaya mas lalo ka niyang inangkin para protektahan ka."
"I didn't even know na may ginawa kayong ganyan na batas!"
Basta nalang akong iniwan ni Kuya Hellion pagkatapos kong sabihin iyon.
I don't know about that law, kahit na parte ako ng mafia ay kailan man ay wala akong narinig na pinag-usapan nilang ganyan.
Gusto talaga akong paikutin ni Thadeus sa palad niya, he said na it was a matching tattoo of us! I didn't know there's another meaning behind of my tattoo.
Hindi ko rin alam kung mapapatawad pa ako ni Kuya Hellion dahil dito.
All I need to do is to stay away from him.
Maya-maya lang ay nagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko na aalis ako. I need to buy some essentials for my self, nafru-frustrate ako.
Gusto pa sana akong samahan ni Kuya Zach pero tumanggi ako dahil gusto kong ako lang ang aalis mag-isa. I want to free my mind.
Hindi na sila nag tanong kaya nakaalis na rin ako.
I'm here at the Galaxies, Ate Portia's family owns this mall. Agad akong pumunta sa salon para magpagupit ng buhok ko, naiinis ako dahil lagi ko nalang nakikita ang buhok kong magulo.
"Derek," I greeted the owner.
"My dear, Solana!" he hugged me.
Nag usap lang kami saglit about our life, matagal na rin kaming magkakilala ni Derek dahil madalas akong narito sa salon niya. Whenever I need to change my hair style ay sila agad ang pinupuntahan ko.
"I want you to cut my hair layered and with some highlights." ani ko at umupo na.
I took a nap habang inaayos nila ang buhok ko, this is my therapy or coping mechanism ko lang. Basta, whenever I'm stressed ay lagi akong gumagawa ng way para maging maayos ako.
"Libre ko na, Solana."
Napailing naman ako at inabot ang bayad kay Derek, ang ganda ng gawa niya sa akin at umabot ng halos two hours ‘yon, nakakahiya naman.
I love the outcome.
"Thank you," ani ko at lumabas ng salon.
Sunod na pinuntahan ko naman ay ang beauty store para bumili ng ilang skincare products. As I walked in every aisle ay nakita ko si Thadeus.
Anong ginagawa ng lalaking to?
I tried to stay calm and pretend na hindi ko siya nakita but my curiosity is bothering me. I wish hindi ko nalang ito palihim na sinundan.
He's with a girl, unfamiliar girl. Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang tumatawa, nawawala pa ang mata nito habang nakangiti.
Sino ‘yon? Gusto kong lapitan para makita ko ng malapit ang babae.
Nang mapansin kong papunta sila sa direksyon ko ay agad akong nagtago at lumipat sa kabilang aisle but I accidentally bumped into someone.
"Aish, sorry.." daing ko habang hinihimas ang braso ko. Masakit.
"Solana?" someone asked.
My face widened as I remembered the guy in front of me, it was Wayne! One of my closest classmate back then.
"Hey!" saad ko at ngumiti sakaniya.
"Wow, I almost didn't recognize you."
Napatawa naman ako. I remembered I used to have a huge crush on him, siguro ay nasa high school ako noon..
"May kasama ka?" tanong niya at luminga-linga pa.
"Wala."
"Can I invite you for a coffee?"
I was about to decline his offer when someone bumped into me.
"Aray!" inis kong daing.
Inis kong tinignan ang nakabangga sa akin.
"Sorry." saad ni Thadeus.
Nagpapapansin nanaman siya, epal.
"Bro, sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." ani ni Wayne.
Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Thadeus habang nakatingin kay Wayne, mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi sakaniya.
I saw his jaw clenched, napasigaw nalang ako nang hilain niya ako. Narinig pa namin ang sigaw ni Wayne na pinapatigil si Thadeus pero hindi niya pinansin ‘yon.
"Hey, ano ba?" I stopped him. "Nag papapansin kaba?"
"You're talking to a guy, Solana."
"Ano naman sayo? Buhay mo ba 'to?"
"I told you, you're fucking mine." he whispered.
Kahit kinilabutan ako sa tinuran niya ay mas sinamaan ko ito ng tingin.
"I'm not yours, never." madiin kong saad at itinuro pa siya.
"I already ended things between us!"
"Hindi ako pumayag sa putang break up na ‘yan, Solana. Alam mo ‘yan."
YOU ARE READING
Shattered (Completed)
RomancePaano kung ang tinatakasan mong nakaraan ay unti-unting bumalik sa iyo? Paano kung may kasabay din itong balita na mas lalong magpapadurog sa nakaraan mo? Solana Sargieno, member of Caizeré Mafia. A girl who is scared to use guns but when it comes...