[Chapter Two]
[Allison POV]
"Uy, Allison. May meeting tayo mamayang Geometry time. Excuse tayo."
Ang bilis ng panahon, 3 months na pala ako dito sa school na to. Parang kailan lang nagpapakilala palang ako sa mga classmates ko. Akala ko mahihirapan ako mag-adjust pero ang galing, naging officer pa ko ng isang club, kahit third year representative lang.
Actually may meeting mamaya at excuse kami sa Geometry.
Buti nalang malakas ako sa president ng club namin, pinasadya ko talaga na iexcuse kami pag Geometry.
Diba, ang galing ko?
Oo nga din pala, gamit ko yung panyo nung nakabunggo kong lalaki dati. Kung tama pagkakaalala ko, Brienne yung name niya. Akalain niyo yun, sikat pala siya. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Kung sabagay, gwapo naman talaga.
"Uy 'te. Grabe ka naman bumili ng mga lalafangin mo. 30 na kwek-kwek? Di ka naman shutoytomi nyan?"
"*munch* err... pakialam mo *munch* ba?" sagot ko kay Ricardo habang busy ako sa pagnguya. Bahala siya intindihin ako.
"Ano ka ba 'te! Ew ka! So kaderder naman. Nagtatalsikan pa mga kinakain mo sakin."
Arte naman nitong baklang to, pero super love ko yan. Magkavibes na mag kavibes kasi kami.
Inom muna ako ng Iced tea. Tumingin ako kay Ricardo at inalok ko siya. Paano naman kasi, puro reklamo nalang kasi naririnig ko sa kanya pag madami akong binibiling pagkain eh. Di niya naman pera.
"Gusto mo? " inosenteng pag aalok ko sa kanya. Bigla siyang tumigil sa pagrereklamo .
" Oo naman yes 'te! Bet na bet! Penge ha."
Tuwang tuwa siya pag-alok ko, sabi na gusto niya rin eh.
"Dun oh, bili ka sa canteen." akala niyo bibigyan ko 'no? Asa siya, kahit bestfriend ko siya. Basta pagkain, talo-talo na.
*pok*
"Aray! Ano ba? Bakit mo ko hinampas? Ang sakit ha!"
Hampas siya ng hampas sakin pero di naman masakit. Sanay na ko. Ganun kami mag harutan at lambingan eh. Hampasan, minsan pa nga sabunutan eh. Tumigil lang siya nung mapatingin siya sa may labas. Dun sa may corridor.
"Wow, prinsipe ko."
Ha? Prinsipe daw? Saan? Pa-autograph naman.
Bobo mo talaga, Allison. Prinsipe daw, hindi artista. Autograph ka dyan?
"Saan girl?" tanong ko sakanya pero tulala parin ang bakla. Tumingin nalang ako dun sa tinititigan niya.
My gahd.
"Si Brienne pala." yun lang sinabi ko.
Tapos na rin ang tulala moment ni Ricardo Baklita. Tapos na kasi dumaan si Brienne.
Kung maka-Brienne naman ako. Akala mo super close kami.
"Uy 'te? Kilala mo si Baby Brienne ko? " tanong niya sakin habang ngiting ngiti.
Kapal naman nito. Baby Brienne niya daw? Eh akin kaya yun. De joke lang.
"Ah... eh..." hindi pa ko nakakasagot ng buo nang magsalita siya ulet.
"Sige na 'te, please pakilala mo aketch. I'm begging."
"Tumigil ka nga. Maglaladlad ka na talaga?"
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
Teen FictionPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))