[Chapter Three]
[Brienne POV]
Nakatayo ako dito sa may labas ng faculty at nagbabasa ng Wattpad.
"Brienne?"
May tumawag sakin. Si JC. Player din siya ng table tennis.
"Yo?"
Istorbo naman to. Sure ako magyayabang lang to sakin.
"Bakit ka nandito?"
Bakit iyo ba to? Masama? Badtrip ako dito alam niyo ba yun? Sobrang yabang kasi saka nililigawan niya si Sophie. Dapat ako gumagawa nun eh. Ang gwapo gwapo ko tapos ang torpe ko sa babaeng gusto ko.
"Wala lang. May meeting kasi kami. Bawal ma-late. Vice president ako."
"Vice President ka pa niyan sa lagay na yan? Eh lagi ka ngang late sa flag ceremony."
Anong gusto nito sabihin? Di ko na nga lang papatulan. Masira pa mood ko.
"Anong oras pa ba yun?" tanong niya sakin sabay akbay.
Bakla. Kadiri.
"After break pa naman. Bakit?"
"After break pa naman eh. Wala pa ngang break time. Alam mo kung hindi ka late, sobrang aga mo naman. Umayos ka nga tol."
Kung maka-tol naman to kala mo close kami. Sarap suntukin.
"Ok lang yan." sabi ko tapos tingin ulet sa phone ko, mas maganda pa magbasa kesa makipag usap dito.
"Oh c'mon tol! Sama ka muna sakin. Sakto wala akong kalaro sa taas. Laro muna tayo ng Table Tennis."
Ang tigas naman ng bungo nito eh, pero kung sabagay, maaga pa naman eh. Makikipaglaro muna ako dito. Wala namang mawawala.
"Sige."
Naglaro lang kami doon ng naglaro. hanggang sa di na namin namalayan ang oras.
"Hoy anong oras na?"
"4:30 na."
"Patay! Late na ko!"
Tumigil na ko makipaglaro at kinuha na yung bag ko. Tumakbo na agad ako papuntang faculty . Sarado na. Sabi na dapat di nalang ako sumama eh.
Wait. Nakabukas ng konti yung pinto. Di naman totally nakasara.
Habang tinitigan ko yung pinto ay may naisip akong bright idea. Sisilip muna sa loob para malaman kung anong nangyayari .
Alam ko na!
Kailangan lang na makaupo ako dun sa likod .
Kayang kaya mo yan, Brienne!
Dahan-dahan kong binubuksan yung pintuan nang may nakita akong nakatingin saking babae. Baka mahuli ako, anak ng tinapa. Tinapat ko nalang yung index finger ko sa lips ko para mag sign na wag siyang maingay.
Unti-unti akong lumalapit sa kanila habang nakatakip ng bag yung mukha ko. Pag humaharap si ma'am, sempre steady lang ako. Pag tumalikod naman siya, dun ako aabante. Ang galing ko talaga.
Sa wakas, nakalapit din ako sakanila at nakaupo. Napatingin ako dun sa babaeng nasa gilid ko. Parang familiar yung mukha niya.
Wait.
Aha! Siya yung babaeng nabangga ko. Di pa pala ako nakakapagsorry sa kanya ng maayos.
Teka, isip ulit.
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
أدب المراهقينPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))