Chapter 1: Habulan Sa Puso Mo

21.1K 333 72
  • Dedicated kay Gienua DElos Reyes Cabrera
                                    

[CHAPTER ONE]

 

[Brienne POV]

"LATE COMERS, ANO BA? HINDI BA TALAGA KAYO MAGTATANDA? LAGI NALANG KAYO LATE! MAS MARAMI PA KAYO SA NAKAKAATTEND NG FLAG CEREMONY!"

Hays. 

Tuwing umaga nalang maririnig mo ang malawangwang na boses ni Mrs. Hamadin. Ang init ng dugo saming mga late. Kung hindi kukuhanin mga I.D namin, pagwawalisin or papupulutin kami ng kalat. Nag-aral ata kami dito para gawing METRO AID lang eh. 

Wala na bang ibang punishment ma'am? Kasawa na eh, lagi nalang.

Humihikab pa ko pagkasabi ko nang may marinig akong boses.

"Yes Mr. Criss Brienne Olarve Gonzales? May sinasabi ka? Here's the mic, share mo saming lahat."

Ang galing. Alam niya whole name ko, matic na, kilalang kilala niya ko kasi halos araw-araw ako late. Never absent pa. Super close na nga kami niyan eh, Note the sarcasm. Ewan ko ba dyan bakit ang init ng dugo sakin. Epal talaga nitong teacher na to, kailangan pag kakausapin ako, naka mic pa talaga? Bida-kapamilya eh 'no?

"Wala po ma'am." nag pilit pa ko ngumiti at nag-wave ng kamay para mas maemphasize na wala talaga. Mahirap na. Baka ipatawag na naman ako nito.

"Wala ha. Hala sige, magpulot na ng kalat!"

Asar talaga to, ako lang talaga? Madami kaya kami dito ma'am! Unfair!

Tinignan ko yung mga nakatingin sakin, try niyo tumawa o ngumiti man lang, sapak kayo sakin.

*killer eye* *killer eye*

Parang si sakuragi lang eh.

"Pulutin niyo na yung kalat sa quadrangle para makapasok na lahat!"

Hay salamat. Akala ko ako lang eh.

9:00-10:00 am - Physics time.

Wala kaming teacher. Grabe, ang gulo sa room. Di mo akalaing mga section 1 yung nagru-room dito eh.

Yeah, tama kayo ng nabasa. Section 1 po ako kahit lagi ako late, may taglay na talino naman po ako at athletic pa. Sorry naman. Kasalanan ng alarm clock ko.

So ano na? Back to the business na.

Kagaya ng sinabi ko kanina, wala kaming teacher kaya naman may kanya-kanya kaming mundo. Yung iba nagpapabilisan mag buo ng Rubics Cube, yung iba naglalaro ng B-C-D Apple at Killer Game.

Kami ng mga tropa ko?

Ayun, AGAWAN BASE! Pambansang laro namin to eh.

Mukha lang kaming mga tanga. Mga 4th year highschool na, puro mga isip bata parin. Maglaro daw ba ng agawan base sa loob ng classroom? Eh di ba outdoor game yun?

Eh apat na sulok lang pwede naming takbuhan dito.

KAMI NA MALAKAS TRIP.

TROPANG B VS. SIMMAZTEH

Ang mga myembro ng Trobang B ay sina Chan, Carl, Brienne, Bhian, Bianca, Joann and Rosemarie. Mga bestfriends ko po talaga yan haha. Sa Simmazteh naman ay sina Jas, Sophie, Mike, Tere, Enchong, Rhea and Ar. Bestfriend yan ng tropa namin and mortal enemy din.

Let the Agawan Base begin. 

"Dyan lang kayo! Ako na muna susugod." sabi ko sa mga katropa ko.

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon