[Chapter Nine]
[Brienne POV]
English time na. Last period na namin.
Lumilipat ako ng upuan. Wala namang naglilista ng 'Noisy, Standing and N.I.P.S (Not In Proper Seat)' eh. Di ko kasi makita yung visual aid pag nagsusulat eh. May pagkabulag kasi ako.
Minsan lang ako magsuot ng salamin. Di ko rin trip mag contact lense kasi dati nung nag attempt ako maglagay ng contact lense. Inabot ako ng mahigit dalawang oras masuot lang yung isang contact lense. Tapos yun, napagod ako. Di ko na sinuot yung isa.
So balik na sa room.
Tumabi ako sa tabi ni Sophie kasi walang nakaupo dun sa tabi niya. Absent kasi si Camilon.
"Hi, Sophie." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Hi din." Sabi niya ng hindi man lang lumilingon sakin.
Pagtapos ng batian namin na yun ay wala ng nagsalita ulet.
*AWKWARD*
Ayoko na ng ganto. Miss ko na si Sophie. Di niya naman kasalanan kung mas magustuhan niya si JC eh.
Kausapin ko na kaya?
Habang nagsusulat kami ay naglakas loob na kong mag open ulet ng conversation between us.
"Sorry pala nung Saturday kung di kita napuntahan." sabi ko habang nagsusulat ng hindi man lang lumilingon sa kanya.
"Ok lang yun . Ang kj ko naman kung sisirain ko date mo di ba? Saka dumating naman si JC." Sabi niya habang natawa pero mahina lang.
Mukhang di naman pala siya nagalit. Dumating pala si JC. Nagseselos na naman ako.
Pero ang tanong... may karapatan ba ko?
Wala, diba?
"Ahh." yun nalang yung nasabi ko.
"Eh ikaw? Musta naman date mo? Saka sino ba yun? Ang malas naman niya haha."
"Malas ka dyan. Sa gwapo kong to, malas pa makakadate ko? Naging masaya naman. Sobra. Allison name niya. " Sabi ko sabay ngiti. Hindi plastic na ngiti yun, totoo yun. Pag naalala ko si Allison, bigla nalang akong napapangiti. Ewan ko ba. Baliw na ata ako.
"Wow, nice. Maganda ba?"
"Oo, cute pa."
"Wow, ligawan mo na yan. Baka maunahan ka pa."
Di na kailangan. Kami na eh. Pero dahil mukhang boto ka naman sa kanya, kaya sige lang.
[Sophie POV]
No text and calls from Brienne. Nakakapanibago. Lagi kami magkatext nun pag weekends.
Siguro nga, busy talaga siya sa dinedate niya.
Miss ko na siya. Miss ko na si Brienne ko.
"Hi Sophie." nakakagulat naman siya pero bigla rin akong natuwa kasi finally pinansin niya na ko.
"Hi din." nag-hi siya so syempre nag-hi din ako.
Pagtapos nun, di na siya nagsalita. Ano ba to. Ang awkward.
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
Teen FictionPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))