Allison's POV
" ANONG GINAGAWA MO DITO !!?? "
Di na ko nakapag antay na sumagot siya at tumakbo na ko agad pabalik sa kwarto ko . Sumandal ako sa pintuan ko pagkasara ko ng pinto .
" Anong ginagawa niya dito ??!!?? "
Di makapaniwalang sabi ko habang hinihingal pa . Sana man lang nagpasabi siya nuh ? Nakapajama pa tuloy ako . T.T NAKAKAHIYA .
Siya ba talaga yun ? baka guni-guni ko lang ? Baka ibang tao yun ?
Pati ba naman sa pag gising ko siya parin naiisip ko ?
Buong gabi ko na nga siya iniyakan eh . Ano siya ? Sinuswerte ?
Baka ibang tao talaga yun , baka kalaro lang ni Papa ng basketball .
*BLUUUUUURT*
Gutom na ko . T.T
Baba na nga muna ako . Baka wala na yun .
Nagpalit lang ako ng damit . White shirt na medyo loose at short lang .
Nagsuklay at nagtali lang ako ng buhok . Alam niyo yung pang pokpok na tali ? Haha. Favorite ko itali yun eh . Yung sobrang taas ? Ang init kasi eh .
Bumaba na ko agad .
Dumiretso sa kitchen para kumuha ng breakfast ko . May tao parin sa sala pero di ko na pinansin . Gutom na ko kaya nag dirediretso nalang ako .
Nasa kitchen na ko <3
Sempre . Sa mahal kong ref ako dumiretso .
Binuksan ko at kinuha ko yung fresh milk ko . Pinatong ko yun sa may table sa kitchen ng hindi natingin . Naghahanap pa kasi ako ng makakain eh . Nakabukas parin kasi yung ref at kumukuha pa ko ng madaming pagkain . Lapag lang ako ng lapad sa may lamesa . Nakita ko yung cake na binigay niya kahapon .
BAKIT 1/4 NALANG TO ? 3/4 TO NUNG NILAGAY KO HA !
Kinuha ko yung cake. " PAPAAAAAAAAAAAAAAAA !!!! " sabay sarado ng malakas sa Ref .
" Ay . KWEK KWEK MO PENGE AKO ! " nagulat ako . O.O
nagulat talaga ako as in kasi pag kasara ko nung ref . Nakatayo si Brienne sa tabi mismo nung ref .
" Hahahaha. :D " tumawa lang siya sa expression ko . As usual .
" tawa ka ? " medyo mataray na tanong ko .
" Wala lang ..... Hahhaha .. Nakakatawa ka kasi eh . :D " sabi niya habang natawa pa rin . " Teka ? Cake ko yan ha ? " tanong niya .
" Oh ano naman ? " walang ganang tanong ko . Umupo ako sa may stool sa kitchen namin . Umupo rin siya . Sa tabi ko pa .
Kumuha ako ng baso para lagyan ng gatas .
" Penge ako . " sabi niya saay agaw . Pero dahil magaling ako . Naiwas ko kaagad . Kaya hindi niya nakuha >;D
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
Teen FictionPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))