Chapter 7 : Bakit di mo ligawan si Dora !

7.3K 132 21
  • Dedicated kay Mariz Nicolas Taligatos
                                    

[Chapter Seven]

[Sophie POV]

Nasa park ako ngayon, nakaupo sa may swing habang kalong kalong ko yung bola ko. Makikipaglaro sana ako ng volley ball kay Brienne pero wala. Bawal siya! Busy makipagdate!

Bawal eh . Nakikipagdate ako.

Bawal eh . Nakikipagdate ako.

Badtrip talaga.

Ngayon niya lang ako tinanggihan ng ganun. Binabaan niya pa ko.

Kanino kaya siya nakipag date? Wala naman siyang nilalapitang babae eh. Yung babae kasi nalapit sa kanya. Nakakabadtrip isipin. Ang ganda-ganda ng mood ko at magsosorry pa sana ako sa ginawa ko sa kanya tapos bawal siya? Kasi nakikipagdate siya?

OMG! Sobrang badtrip talaga ako ngayon, baka mangain ako ng tao.

Maya-maya, naramdaman kong parang may lumalapit sakin. Nakalapit na siya at tinakpan yung mata ko ng mga kamay niya.

"Hulaan mo kung sino ako"

"JC kung di mo tatanggalin yang kamay mo sa mga mata ko, baka di mo na makilala sarili mo sa gagawin ko." iritang sabi ko.

Tinanggal niya na yung mga kamay niya sa mga mata ko.

"Eto naman. Ang sunget. Hindi bagay sayo 'no." sabay upo sa kabilang swing.

"Pake mo?" sorry pero ang badtrip talaga ako ngayon.

"Mag-isa ka lang? May kasama ka ba?"

"May nakikita ka bang kasama ko? Ha?"

"Ah, wala."

"Wala pala eh, then why are you asking?"

Sobrang badtrip talaga ako ngayon. Wrong timing ka JC. Sayo ko tuloy nabubunton yung galit ko.

"Hahaha. Wala lang. Tara sama ka sakin. Gala nalang tayo." tumayo siya at hinawakan yung kamay ko. Pilit niya kong tinatayo.

"Ayoko. Ikaw nalang."

"Oh c'mon Sophie. Sumama ka na. Gala nalang tayo. Dali." pilit parin siya ng pilit.

"Ayoko."

"Dali na. Bakit ba ang sungit mo ngayon? Di ka naman ganyan eh. Bakit ba ayaw mo sumama sakin ngayon? Tagal ko ng nangliligaw sayo, sabi mo malapit mo na ko sagutin. Tara na kasi."

This time. Bumongga na siya. Sobrang naiirita na talaga ako sa lalaking to. Kalalaking tao, Ang daldal.

Kaya di ako nagtataka kung bakit ang init ng dugo ni Brienne dito. Bukod sa napakayabang na, sobrang kulit pa.

"Ang kulit ng angkan mo ha! Sabi ko ayoko diba? D ka ba makaintindi? Tsaka atat ka masyado na sagutin kita. Badtrip. Kung gusto mo ng girlfriend na pwede sumama sayo kahit saan mo dalhin at pwedeng gumala maya't maya, bakt di mo ligawan si Dora?"

Di ko na siya inantay na makasagot. Sobrang badtrip na kasi ako. Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at umalis na.

Ang kulit-kulit niya.

Sinabi ng ayoko tapos pilit parin siya ng pilit. Badtrip talaga.

Ayan tuloy, nakatikim siya ng isang malupet na pangbabara at walk out sakin. Ayoko sa lahat yung minamadali ako lalo na't nangliligaw palang eh. Nakakainis kaya yung masyadong atat.

Crush ko pa man din siya. Kaya nga pinayagan ko mangligaw eh.

[JC POV]

Ano kayang nangyari doon?

Naiwan ako sa park ng puno ng pagtataka. Bakit biglang sumunget yun? Parang hindi si Sophie.

"Bakit di mo ligawan si Dora?"

Hay nako Sophie. Kung pwede lang, ginawa ko na. Ang cute kaya ni Dora. Black beauty pa.

Ano ba to. Pati si Dora. Pinagnanasaan ko. Makapunta na nga lang sa SM. Sayang naman yung varsity jacket na suot ko.

[Brienne POV]

"Uy Brienne? May tula ka na? Nandyan na si Ma'am." Bulong sakin ni Chan.

"Wait kasi. Nanggugulo ka pa nag coconcentrate na nga ako dito!" 

Ayoko sa lahat nagawa ng tula eh. Di naman ako makata, athlete po ako.

Ang hirap na nga ng assignment namin tapos irerecite pa sa harap with feelings.

"Wala talaga akong maisip."

Binubuksan na ni Ma'am yung class record niya. Eto pinaka nakakakaba eh. Kung mag tawag pa yan, basta basta. Kung anong una niyang makita. Yun yung tatawagin niya.

Sana di ako matawag.

*cross finger. cross finger*

"Buranday." sabi ni Ma'am .

Yes! Di ako natawag. 1 down.

Hind ako masyadong nakinig nung nagrecite yung classmate ko. After a few more moments, natapos na rin siya.

Ayan na. Tumitingin na ulet siya sa class record. Todo dasal naman ako sa upuan ko. 

Lord sana po. Bukas nalang ako matawag. Please.

" Gonzales "

WAIT. Parang apelyido ko ata yun?

Patay na. Isang line palang naiisip ko. Bahala na nga.

Kinakabahan ako habang tumayo at pumunta sa may harapan. Nung nasa harap na ko, lahat ng classmates ko parang mangangain kung makatingin. Inaantay nila akong magsalita.

Ok. Eto na ..

"TULA-la"

Sa tuwing gagawa ng tula

Ako ay natutulala

Isip ko'y lumilipad

Di ko alam kung san napadpad

[A/N: Abangan niyo yung TULA-LA. Poem siya obviously. Di ko pa tapos gawin eh. Haha. Pinatikim ko lang kayo ng konti. Di ko hilig gumawa ng tula. Napagtripan ko lang hahaha]

Pagtapos ko mag recite ay tumingin ako kay Ma'am. I saw her laughing. Bakit kaya? pati yung iba kong classmates natawa. Bahala nga sila. Basta naka pagrecite na ko.

***

[Author's Note]

Vote, comment and be a fan. Peace out mga be.

Find me on:
Twitter -- @chimasterpiece
IG -- @alli.kaaaaat

Thanks! 

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon