Chapter 8 : HAHAHAHA

7.4K 133 20
                                    

[Chapter Eight]



[Allison POV]


Ang cute mo pa naman.

Ang cute mo pa naman.

Ang cute mo pa naman.

Ang cute mo pa naman.


AYIE!


Kinikilig naman ako pag naaalala ko yun.

Hindi mawala-wala sa isip ko. Sinabihan niya ko ng cute though alam ko na yun  kasi ang dami ng nagsabi pero iba pala pag sa kanya nanggaling. Sobrang nakakakilig.

Buong araw kami magkatext. 

Ang sweet-sweet niya pala pero alam ko ginagawa niya lang yun kasi kasi bestfriend na kami at para makalimutan ko daw yung ex ko.

Sa maghapon din na magkatext kami ngayong araw ay di ko maiwasan magtanong kung sino ba yung mahal niya. Puro sagot niya lang "Hayaan mo na yun" o kaya naman "Ikaw. Kasi ikaw yung girlfriend ko". Umay. Kinikilig ako, pero trip nga lang, diba? 

Ako lang makakawawa pag naniwala ko.

Anyways, crush ko lang naman siya. Sana wag na to maglevel up. Kundi kawawa talaga ako.


One message received


May nagtext. Siya pala. Kinilig tuloy ako.


From: Brienne (Akyat Bahay)

GOODNIGHT KWEKS <3 SLEEPTIGHT. MUAH ;* :)


Teka, alas-otso ng gabi palang ha? Bakit ang aga niya namang mag goodnight? Matutulog na ba siya?

Gusto ko pa siya makatext eh.


To : Brienne (Akyat Bahay)

Aga pa ha? Matutulog ka na? HAHAHA. Sige. Good night din :)

Sleep tight. Sweet dreams :* :)

See you sa dreamland. MUAH.MUAH.MUAH.

Thanks sa time. Next time ulit. MUAH.MUAH. SANMM <3


Sending... failed.


OMG! Cut na pala unli ko. Haba ng tinype ko tas di magsesend. Badtrip.

Paload nga muna ako. Kumuha ako ng barya at lumabas na. Nung nakapagpaload na ko ay bumalik na ko agad sa kwarto ko. Sinend ko na din yung NOBELA KONG GOODNIGHT MESSAGE.


5 minutes...


10 minutes...


15 minutes...


20 minutes...


Tagal magreply ha. Tinulugan na naman ata ako.


High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon