Chapter 53 : Sophie ;'(

4.1K 82 19
                                    

Sophie's POV

" Anong meron sa food court? Bakit ang daming tao? " JC asked.

Malamang mga taong nakain, shunga talaga to eh. Buti nalang may itchura. By the way, siya nga pala yung kasama ko. Why? kasi blinack mail niya lang naman ako. Naalala niyo pa ba yung inutusan ko para ikulong kami ni Brienne sa Art room? Narinig pala yun ni JC lahat, langya yun! -_- Nilaglag ako. Napilitan tuloy ako, nakakaimbyerna, ayoko humiwalay kay Brienne eh. Gusto ko siya makasama ngayong fieldtrip >_<

Sana pala di na ko nagpakita ng motibo dito kay JC para hindi na siya umasa na may gusto ako sa kanya nuh? Shunga ko rin. tsk..

" Ewan -_- Tanong mo sa buwan. " gusto ko na talaga humiwalay sa kanya.

" Ikaw talaga Benitez!! :D Tara! Tignan nalang natin! Ayoko itanong sa buwan eh! "

 

Hinila niya ko papunta dun, medyo malapit lang naman kasi kami. 

May nakanta pala.

Wait??

Parang si Brienne yun??

Oo nga. Siya nga! :'D

Napangiti naman ako bigla, ang gwapo niya kasi at ang ganda pa ng boses. Kainlove lalo <3

" Wait :) " iniwan ko si JC at nakisiksik ako para makalapit pa.

Pababa siya ng stage. Sino kayang pupuntahan niya? Sana nakita niya ko dito :)

Ahhh....

</3 Si Allison.

Para kay Allison pala yang ginagawa niya. Para kanino pa ba! Edi sa girlfriend. Shunga ko! ;(

Ang saya nilang tignan </3 ngayon ko lang nakita si Brienne na nag effort ng ganyan. Mahal na mahal niya nga talaga si Allison :(

Nasasaktan na ko ;'(

Yung feeling na gustung gusto mo na siyang bitawan dahil pagod ka ng masaktan pero hindi mo magawa dahil mahal na mahal mo siya. 

Yun ako eh ;'< Mahal ko parin talaga siya kahit may mahal na siyang iba.

" Nanjan ka lang pala... Gwapo ni Criss ha XD Ang ganda din ng chix.. " sabi ni JC paglapit niya sakin.

" Onga :) " nag fake smile nalang ako. Ayokong ipaalam na nalulungkot ako ngayon. Ayokong may madamay pang ibang tao dahil lang sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.

Mahirap magmahal kung alam mong ikaw lang ang nagmamahal. Bakit ba kasi kung sino pa yung may gusto sayo, yun pa yung taong hindi mo kayang mahalin. Bakit ganun nalang lagi ;( Kahit anong dikta ko sa isip ko na si JC nalang pilit paring sinisigaw ng puso ko na Brienne lang.

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon