[Chapter Ten]
[Brienne POV]
Nakatayo ako malapet sa room nila Allison.
"Ate. Section 2 ka di ba? Classmate mo si Allison?" tanong ko dun sa babaeng kakalabas lang sa room ni Allison.
"Oo kuya. Bakit?"
"Pakibigay naman 'to oh." nag smile ako sabay abot ng lunch box na Dora.
Nagresearch kasi ako sa mga favorite ni Allison at nalaman kong si Dora pala ang favorite cartoon character niya.
"Sige po kuya." Inabot niya to at nag smile din.
"Thanks."
Pagkatapos ko ibigay yun ay tumakbo na ko paakyat ng Gym para mag practice. Malilate na rin kasi ako. Pagkaliko ko sa likuan ay may nakabangga akong babae. May pag kaboyish siya sa tingin ko. Ay hindi. Tomboy ata siya but she's cute.
"Aray! Ano ka ba? Di ka ba tumitingin sa daan mo!" pasigaw na sabi niya na parang siga pa.
Katakot naman. Parang mas lalaki pa to sakin ha.
"Sorry naman, Miss. Nagmamadali kasi ako eh."
"MISS? Tsss." sabi niya na medyo irita.
"Sorry talaga. Bye." sabi ko sabay takbo. Baka malate na ko eh.
Di ko na pinansin kung galet man siya o hindi. Malilate na kasi ako eh. Basta sorry na lang.
Sa wakas, nandito na ko. Hinihingal pa ko kasi tumakbo nga ako, diba?
"Salamat naman at hindi ka late Brienne." bati sakin ni Ma'am Magbanua.
Coach namin siya sa table tennis.Mabait yan. Sobra.
Kompleto na kami lahat.
Nandito na sila Bhian, Bianca Elyn, JC, Ricky, Drex at yung dalawang 3rd year na babae. Bago lang sila kaya di ko pa masyadong close.
"Nice. For the first time." sabi ni JC sabay akbay sakin. Feeling close na naman siya.
Siguro kung di niya nililigawan si Sophie baka baging isa na to sa mga bestfriend ko. Pero wala eh. Daming babae, si Sophie pa. Tss.
"Alisin mo nga yan." medyo asar kong sabi habang tinatanggal ko yung braso niya na nakaakbay sakin.
"Onga pala Brienne. May papakilala ako sayo. This is Loki." may nilapit siyang isang lalaki. First year siya. Nakalagay sa patch eh.
"I-Train niyo siya." sabi ni Ma'am.
"Ok po Ma'am. Siya lang po ba?" tanong ko.
"Hindi. May kasama pa siya. Bumaba lang saglit."
"Ahh, nandito na pala siya. Nalle lumapit ka dito." lumapit nga yung babae.
(A/N: Ang arte ng pangalan 'no? Pero "Nal" lang ang pronounciation niyan. Hihi.)
Siya yung nakabunggo ko kanina. Ang sama naman niya makatingin.
"Hello." Sabi ko sabay ngiti.
"Hi kuya." bati naman sakin ni Loki. Kalahi ko ata to eh. Gwapings din.
"Yo." bati naman sakin ni Nalle.
Yo? Siga talaga to. Wala man lang galang.
"Oh, Brienne. Kayo na bahala sa dalawang to ha? Itrain niyo mabuti. Magagaling na yan, mas pagalingin niyo pa."
"Sige po Ma'am." Umalis na siya. May date ata. Joke. Ewan ko kung saan yan pupunta.
Nagpractice kami maghapon. Tama nga si Ma'am. Magagaling nga sila pero di parin sila uubra sa galing ko.
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
Teen FictionPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))