Chapter 55 : Pag labas ko dito, ok na ko.
Allison's POV
Ganun niya lang ako kabilis bitawan ;'(
Ano ba ko sa kanya? Laruan na pag pinagsawaan na, itatapon at iiwan nalang?
Ang sakit sakit ;'(
Di ko kaya ;'( Huhuhu.. Anong gagawin ko? Kung kailan masayang masaya na ko, saka pa siya mawawala sakin, saka niya pa ko iiwan ;'(
Sana umpisa palang hindi niya na ko hinayaan na mahalin siya ng ganto, mahalin ng sobra sobra ;'(
Sa isang relasyon talaga hindi nawawala yung nang iiwan at iniiwanan, yun ang masakit pag hindi happily ever after yung story niyo eh. It's either, ikaw yung mang iiwan or ikaw yung mang iiwan at sa sitwasyon ko, ako yung iniwan! ;'(
Ako tuloy yung mas nasasakatan ngayon!
Naglalakad ako ngayon at hindi ko alam kung san ba ko pupunta. Uuwi ba ko ng bahay? o pupunta kung saan ko siya pwede kalimutan? Di ko alam ;'(
Dinadamayan ba ko ng ulan? Kung makabuhos naman siya wagas. Basang basa na ko. Broken hearted din ba siya katulad ko? Ano bayan.. Agaw eksena ;'( Ako lang dapat iiyak ngayon!!
Basang basa ako pagdating ko sa bahay. Dito nalang ako dumirecho kasi wala naman akong pwedeng puntahang iba. Busy si Ricardo at nahihiya naman ako kay Ate Bhian, ang dami rin nilang projects. Buti wala si Papa kundi papagalitan ako nun kasi nagpaulan ako.
San ba ko pupunta? ;'( Hanggang ngayon ayaw parin tumigil sa pagpatak yung luha ko ;'( Huhuhu.. Bakit mo ba naman kasi ako iniwan Criss Brienne eh!! ;'( Minuto palang yung lumilipas nang maghiwalay tayo pero halos mabaliw na ko.
Bakit mo ba ko pinaibig nang ganto kung iiwan mo rin pala ako? Ang saklap! Biglaan pa. Sana nagsabi ka man lang para nakapagready ako!! Ay.. Onga.. Kahapon pa siya nakipagbreak ;'( kinulet ko lang na gawin niya ng personal. Hays. Ang sakit pala.
Bakit ngayon pa?
Kung kailan mahal na mahal na mahal na kita?? ;'(
Pumasok ako sa Cr. Binuksan ko yung shower at sa tapat nun ay umupo ako. Yaan niyo munang masayang yung tubig namin, marami naman kaming pangbayad saka ngayon lang naman. Broken hearted ako eh </3
Gusto ko siya itext ;'( Gusto ko bawiin yung pagpayag ko na break na kami pero hindi ko magawa ;'(
BINABASA MO ANG
High School Dare Game
Teen FictionPosible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako makakarelate ka :)))