Chapter 18 : Wala . Wala kang ginawa .

6K 173 27
                                    

Allison's POV

Nasa may park kami na malapit lang sa bahay . Ewan ko . Dito ako dinala ng mga paa ko eh . Sunod lang ng sunod si Brienne . Nakaupo kami sa may swing . Ang tahimik dito . Napatingin ako kay Brienne na nakatingin sa ibang direksyon . Napagod na siguro siya kakasalita , kanina niya pa ko kinakausap pero di ko siya mabigyan ng matinong sagot 

Ang dami kong gustong itanong . Gustong linawin niya sakin yung kanina pero mukhang wala siyang balak. Nakakainis . Painosente ba siya o ano ? >.< Di ba siya marunong makaramdam ?

Tss. Eto na ko . Nagagalet na . Sorry .uhm .. Pero sino ba naman ako di ba ?

" Uwi na ko . " sabi ko sabay tayo at naglakad pero di pa ko nakakalayo nang 

tumayo rin siya at napahinto naman ako sa paglalakad ko  . " Hatid na kita . " sabi niya .

" wag na . Thanks nalang . "  sabi ko ng hindi siya nililingon .

" ANO BANG PROBLEMA MO !!!!!????? HA !!!! MAY NAGAWA BA KO !!? HINDI BA MASARAP YUNG CAKE NA BINAKE KO !? BAKIT BA ANG COLD MO BIGLA !? KANINA KA PA EH . KANINA PA KO NAGTITIMPI . PARANG WALA AKONG KASAMA ! SALITA AKO NG SALITA PERO PURO SAGOT MO "AHH" AT "OO" HINDI LANG !! ANO BANG PROBLEMA !! ANONG NAGAWA KO !!? "

Nagulat ako sa pag sigaw niya sakin . Ramdam ko na galet siya . Nakatayo lang siya at nakatitig ng seryoso sakin . Napuno na siguro siya . Tss. Mali ako pero ang sakit kasi talaga .

Wala ka namang ginawa eh . Ako lang yung baliw na naasa .

Naglakad ako papalapit sa kanya at tumingkayad . Nilapit ko yung lips ko sa lips niya at hinalikan ko siya . Pag tapos , nagsalita ako .

" Wala . Wala kang ginawa . Break na tayo . "

Tumalikod na ko at naglakad ng mabilis palayo sa kanya . Nagulat ata siya sa ginawa ko . Ako rin nagulat eh , basta ewan ko , kung bakit ko siya hinalikan . Pero yun na yung last first  kiss namin .

Break na kami ;'(

Tapos na yung 1 week . :'(

Tanga ko . 

Nagkagusto ako sa taong may gusto ng iba .

Nagmahal ako sa taong may mahal ng iba . ;'(

sakit .

Break na kami . Iiwasan ko na siya .

Kailangan mawala tong nararamdaman ko para sakanya . 

Ang sakit . Kakamove on ko lang sa ex ko tapos ngayon mag momove on ulet ? 

Tss. 

siguro yung mga bininigay niya sakin na pag kain , nilalagyan niya ng gayuma ? kaya ang bilis ko mainlove sa kanya. 

Tss..

Emo na nga ako . Nagagawa ko pang mag isip ng kalokohan .

Ahh . Basta ! Iiwasan ko na siya . Promise . no erase ! Padlock ! Tapon susi sa payatas !

Pagtapo ng gabing to . Ok na ko .

Pero ngayon .. Iiyak muna ako ..

Iyakin ako eh . 

Baliw ako eh .

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon