Chapter 11 : Unfair

7.1K 127 12
                                    

[Chapter 11]



[Allison's POV]


Finally, uwian na. Nagtext na siya. Nasa labas na daw siya. Di na ko naglinis kahit cleaners ako. Tumakas na lang ako. Di naman halata na excited ako 'no?


Pagkalabas ko sa front door, nakita ko siya na nakasandal malapit sa may backdoor. As usual, pinagtitinginan siya.


"Si Brienne ba yun? Anong ginagawa niya dito?"


"Baka susunduin niya ko. Emegehd." kinikilig pang sabi nung isang girl na nadaanan ko .


"Hoy. Wag ka ngang feeler." sabi naman nung isang girl.


Grabe naman tong mga to .


Excuse me. Ako kaya inaantay niya .


Nilapitan ko na siya .


"Hey!" sabi ko with matching kaway pa.


Napatingin siya sakin .


"Tara na?"


"Yup."


Naglalakad na kami sa may corridor at pinagtitinginan kami. Sanay na siguro siya kaya dedma lang sa kanya. Maririnig mo pang nagbubulungan sila.


"Emegehd, girlfriend ba siya ni Brienne?"


"Si Allison yan eh."


Yup. Tama kayo. Ako nga.


"Oh my G! Ang swerte niya naman, nakakainggit."


Dapat lang na maiinggit kayo. Joke. Trip lang naman to eh kaya wala dapat kainggitan.


"Ay wait." bigla siyang huminto, napahinto rin tuloy ako.


"Amin na yung bag mo, pati yung books at lunchbox. Ako na magdadala."


Oo nga pala. May dala akong dalawang books at naka-shoulder bag ako plus yung lunch box pa.


"Wag na. Di naman mabigat 'to eh. Kaya ko na 'to."


"Boyfriend mo ko di ba? Amin na yan." ngumiti siya at pinipilit niya parin ako naibigay sa kanya.


"Oh sige na, etong libro oh."


Binigay ko na yung dalawang libro sa kanya eh. Ang kulet kasi.


"Eto lang? Pati yung bag. Pati lunch box."


High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon