Chapter 13 : Allienne <3

6.6K 108 15
                                    

Brienne's POV

Pabalik na naman ako ng school .

Quiz bee kasi . Kami ni Bhian yung naka assign dun .

Mag announce daw ako sa 3rd year at siya naman sa 2nd year .

Umay lang .

Namiss ko na matulog ng hapon .

Nadudungisan na ang gwapo kong mukha . Nalalagyan na ng eyebags.

Naglalakad na ko papuntang building ng 3rd year .

Pababa na ko ng hagdan ng makita ko si Sophie na nakaupo doon .

" Hi . ^^, " bati ko sa kanya sabay upo sa tabi niya .

" Hi din :) "

" Bakit ka nandito ? Mag isa ka lang ? "

" Yup . Sasali ako sa Quiz bee . Anong oras ba kayo mag start ? " tanong niya sakin sabay basa ulet ng libro .

" maya maya mag start na din . I a announce ko muna ulet eh . "

Ang kulet kasi ni Bhian , na announce na nga tapos gusto niya i announce ulet . Baka daw makalimutan daw ng mga sasali . Unli lang kami . Paulet ulet .

" Ah ? Mag a announce ka na ? " tanong niya sakin .

" yup "

" Ahh . Sama ako . " sabay sara niya sa librong binabasa .

" sasama ka ? " nagtatakang tanong ko .

" yup :) " tumayo siya at hinatak niya yung braso ko para matayo rin ako . Kumapit siya sa braso ko at naglakad na kami .

Naglakad na kami papunta dun . Una naming pinuntahan ay section 1 sempre . Pumasok na kami dun . Tahimik lang sila at nakinig naman sa in-announce ko . As I expected , maraming mga sasali sa kanila , section 1 eh . Mahihilig mga section 1 sa mga contest .

Next is section 2 . Room nila Allison .

May teacher sila . Class hour eh . Nasa may pintuan lang muna kami .

" Ma'am excuse me po . May ia announce lang po kami . " sabi ko dun sa teacher . Si Ma'am Amy ata yun ? Kilala niya ko , close kami niyan nung 3rd year ako eh . :)

" Ok sige . :) May kukunin lang muna ako sa faculty . "

Lumabas na si Ma'am at pumunta na kami ni si Sophie sa harapan . Nung nasa harapan na kami , bigla nalang umingay . May sumisigaw ng " AYIE ! AYIE ! " . Bakit ? Bagay ba kami masyado ni Sophie ? ^^,

" Nice Allison ! "

" Ayie ! Allison ! "

" Ayie ! "

Hala ? Baliw tong mga classmates ni Allison ha . 

Onga pala . Kami ni Allison , pero kasama ko si Sophie .

Tumingin ako kay Sophie , nakangiti lang siya . Mukhang hindi naman siya nagseselos eh .

Hinanap ko si Allison . Nasa bandang likod siya at malapit sa bintana . Medyo nahihiya siya .

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon