Chapter 6 : First Date

8K 164 22
                                    

[Chapter Six]

[Allison POV]

Nasa SM Bicutan na kami. Sabi niya kasi doon nalang daw kami para mas malapet. Sobrang daming tao, Christmas Season na kasi at sale pa ngayon. Nag-uusap kami habang naglalakad. Medyo naiilang ako sa kanya. Crush ko na ata siya.

“Yung Fix. Sa bench yun. Panglagay sa buhok" sabi niya.

“Ahh. Ok. Thanks pala sa pagsama ha." sabi ko.

“Thanks ka dyan. May kapalit to 'no.“ sabay tingin ng nakakaloko sakin .

Hala? Kapalit? Ano namang hihingin nitong kapalit?

Gosh! First day palang naming to. Bata pa ko. AYOKO PA MAG KA-ANAK.

“Ano naming kapalit yun?" medyo kinakabahan kong sagot sa kanya.

“Tulungan mo ko bumili ng pangregalo ko."

“Ah sure. Sige."

Napakadumi ng isip ko. Badtrip. Yun lang pala.

So ayun, nakabili na ko ng pang exchange gift ko. Kaya siya naman yung tutulungan ko bumili ng pangregalo niya.

“Sino ba yung reregaluhan mo?" Tanong ko sa kanya.

“Yung monito ko saka yung taong mahal ko." sagot niya.

Aray. May mahal na pala siya. Ano ba to, crush pa nga lang, nabobroken-hearted pa ko.

“Ahh. Eh ano ba yung sinulat nung nabunot mo?"

“'Kahit Ano' lang naman yung sinulat niya. Sarap nga regaluhan ng brief eh." medyo asar niyang sabi.

Kahit ako maaasar din pag 'Kahit Ano' yung sinulat ng nabunot ko eh. Yun kaya pinakamahirap kasi napakaraming pwedeng pagpilian.

“Hahaha." natawa lang ako sa sinabi niya.

“Ano bang gusto ng babae? Ano bang gusto nila na nireregalo sa kanila?"

Aba! Malay ko. Kwek-kwek gusto ko eh.

“Di ko alam eh, depende yun kung anong klaseng babae ba siya."

“Katulad mo.”

Ha? Katulad ko? Ibig sabihin kwek-kwek din gusto niya? Yey! May kaparehas pala ako.

“Katulad ko? Paanong katulad ko?”

“Ewan ko. Basta parang ikaw siya.”

“Regaluhan mo siya ng kwek-kwek, magugustuhan niya yun. I swear.”

“Nyek? Bakit naman kwek-kwek?" tanong niya sakin ng may pagtataka.

“Eh sabi mo katulad ko eh. Edi kwek-kwek ibigay mo, yun gusto ko eh."

“Hahaha!“

Eto na naman siya sa tawa niyang walang bukas. May nakakatawa bas a sinabi ko? Seryoso naman ako ha.

“Oh? Ano nakakatawa?"

“Wala. Tara, kain nalang muna tayo. Libre ko.”

Wow. Libre niya again? Sige.

“San mo gusto kumain?”

“Sa McDo nalang tayo.”

 Tulad ng hula ko, marami na naman siyang in-order. Parang lahat ata in-order niya eh.

“Ang dami mo namang in-order.” Sabi ko sa kanya habang tinatanggal niya sa tray yung mga in-order niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.

“Bakit? Kala mo ikaw lang malakas kumain? Ako rin 'no.”

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon