Chapter 4 : Group Message

9K 172 12
                                    

[Chapter Four]

[Brienne POV]

"Papangalanan ko tong Brenny." tuwang-tuwang sabi Sophie habang hinihimas-himas niya yung balahibo ng bago niyang aso na bigay naman ni JC. 

Badtrip. Unti-unti ng nakakalapit yung mayabang na yun kay Sophie. 

"Bakit katunog ng pangalan ko? Eh ang panget naman niyan. Mas cute pa si Euphie ko."

"Hi. Brenny! Ang cute-cute mo naman."

Talaga naman to. Di ako pinapansin. Pinapunta-punta niya ko dito tapos wala naman pala siyang balak pansinin ako. Mas pinapansin niya pa yung panget na aso na yan. Pake ko ba dyan? Mas cute pa yung alaga kong askal. Si Euphie.

Nakaupo kami nagyon sa sofa nila. Kalon-kalong niya yung asong panget. Wala ba talaga siyang balak pansinin ako? Patawag-tawag pa siya sakin.

[Flashback]

"Oh, Sophie?"

Brienne. Pumunta ka dito sa bahay. Dali please. --sabi niya

Teka, umiiyak siya? Ano kayang nangyari.

"Sige, dyan ka lang. Papunta na ko."

[End of Flashback]

Ayan. Sino ba namang hindi mapapasugod sa ginawa niya? Hays. Tanga ko talaga. Naiwan ko tuloy yung new friend ko.

"Cute mo Brenny."

"Yeah, whatever."

Sige. Magpakabusy ka. Magbabasa na lang ako ng story sa Wattpad. Kinuha ko yung phone ko sa bag  at nagbasa nalang ako.

 

[Allison POV]

Pagkatapos akong iwan ni Brienne dun sa canteen ay tinamad na ko bumalik sa room. Late na rin naman kasi ako kaya umuwi nalang ako.

Nakita ko si papa na nakaupo sa sofa.

"Oh, mare? Bakit ang aga mo?" tanong niya sakin habang naglalaro ng temple run.

Parang magkatropa lang kami 'no? Well, may pagkaisip bata kasi tatay ko pag nasa bahay pero pag nasa trabaho na yan, sobrang strict na.

"Nagcutting po ako eh." diretsong sabi ko sabay upo din sa sofa.

"Ah ok."

Ilang segundo palang akong nakakaupo nang tumuingin siya sakin at magsalita.

"Anong sabi mo?"

"Ah, sabi ko po nagcutting po ako."

"Anak ng nanay mo naman. Inulet mo pa talaga. Ikaw talagang bata ka!"

Naggagalit-galitan naman tong tatay ko. Di naman bagay.

"Halika nga dito!"

Lumapit ako kay papa at umupo sa tabi niya. Tinap niya yung ulo ko sabay gulo sa buhok ko.

"Tinatamad ka na siguro mag-aral dahil sa paglipat natin."

"Di po, Papa."

"Eh bakit ka nagcutting?"

Di ko naman pwede sabihin na nagcutting ako kasi nakipagkilala ako. Baka jombagin ako nito.

"Uhm. Masakit po kasi ulo ko." Hinawakan ko yung ulo ko at nagkunwaring masakit eh.

High School Dare GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon