Epilogue

51 0 0
                                    

Gabby's POV

"Wow ha! Imba talaga imagination mo bes! Ikaw pinag-aagawan ng dalwang lalaki? Hahahahaha." At tumawa sya ng tumawa. at tsaka ibinigay sa akin ang ang folder kung saan nakalagay doon ang kwento ni Yella, Liam at Brent. Ako pala si Celestine Gabrielle De Clara. Tama siguro ang best friend ko, hanggang imagination nalang ako na pinag aagawan ako ng dalwang lalaki.

Maraming masasaya at nakakakilig na parte ang kwentong yoon. Kaso hanggang dun lang yun at di na lalabas at mangyayare sa aking realidad.

Halata ay di nakaayon sa aking kagustuhan. Di ako pinag aagawan ng lalaki. Di man ako nerd pero never akong napansin ng mga estudyante dito.

Isang simpleng mag-aaral, na gigising ng maaga sa umaga para pumasok sa paaralan. Iisa lang ang kaibigan ko sa paaralanh ito, si Denise. Pero kahit ganun alam kong magkaiba pa din ang aming mundo. Isa syang sikat na mananayaw sa aming paaralan. Isa din sya sa mga butuin sa langit. Na hanggang tingin na lang. Di katulad ni Yella na naabot niya ang kanyang butuin. Sana nasa isang kwento nalang ako.

Nakaayon ang mangyayari sa akin sa nagsusulat ng aking kwento. Sana may prince charming din ako. Sana may happy ending din ako. At sana kahit isa sa mga bituin na aking tinitingala at aking maabot.

Di ko na tinapos ang kwento nila Yella. Kasi pati sarili ko niloloko ko. Sobrang laking oras ang sinayang ko. Siguro, ganito talaga ang buhay, minsan akala mo yun ang ikasasaya mo pero di mo alam ang tunay mong kaligayahan ay nabitawan mo na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon