Yella's POV
Ilang linggo na rin ang lumipas nung nangyaring #HisFirstSmile. Ewan ko parang ansayasaya ko. Di man sya madalas magtext pero parang naging kuntento ako nung ngumuti sya sakin. I never thought na ngingiti sya, and besides di kami close at sabi nya di nya ako kilala in person. Well, siguro palangiti lang talaga sya.
August na ngayon, this month alam kong maraming manggyayari. Change seatplan, change classmates, change room. Why? Ganun kasi yung school namin, weird nga e. Daming pakulo. Every 2 months nagpapalit. Trip nila e. Lakas ng trip ng may ari nito. And besides, medyo kaunti lang yung mga students dito kahit na maraming sections. Siguro more or less 40 students every classroom, madami na rin pala. Hehe.
"Hay..." sabay hilamos ko ng sa mukha ko. Dami kong iniisip. Hahaha. Puro kalandian ko. Bakit ba! Loyal naman ako kay fafa Liam e. <3 hihi.
“Hoy! Yella!” Si sigaw lord. -_- no other than ----- Joshyy. Psh.
“Ano?! Panira ka na naman! Wag ka ngang magulo dyan, may iniisip ako e.” I rolled my eyes.
“At ako pa?! Ano na naman kasi yang iniisip mo?.. At nag-iisip ka na pa ngayon! Improving Yella ha! Ayos yan.. HAHAHAHAHA.” Pang-aasar nya. Tapos umupo sya dun sa vacant seat sa tabi ko.
"Tumahimik ka nga! Sssssh!!" Saway ko sa kanya. Naiirita ako e. -_-
"HAHAHAHA. PMS!" Tuloy pa rin sya. Ughhhh..
"Ugggggggghhhhhh!!! Ano baaaaa? Di ka nakakatulong. -____________- Kelan nya kaya ako mapapansin? Hays.." Pagkatapos nun umuob-ob ako sa desk ko.
"Hays. Si Liam na naman!"
"Eh sino pa ba?"
"Tingin mo mapapansin ka nya ng lagay na yan! Tignan mo, ang gulo ng buhok mo kala mo isang taong di sinuklay, tapos yang mukha mo sobrang oily kulang na lang pagprituhan ng itlog sa umaga, yang mata mo puro eyebags, tapos tignan mo medyo maitim ka na rin ngayon kakapainit mo kakasunod sa kanya... Tapos tignan mo medyo nananaba kana kakakain mo ng carbs. Do you think na mapapansin ka nya? Ha?"
"Eh kung gusto nya talaga ako, magugustuhan nya ko..." yun na lang nasabi ko sa kanya. Lahat ng sinabi nya tama. Ansakit lang isipin pero tama. Tamang tama.
"Jusko! Yella di na uso ang ganyan ngayon, maramihan sa mga lalaking yan ang gusto maganda, sexy, at makinis... Di na uso yang sinasabi ko.. Iba ngayon! KAhit nga pangit choosy na.. Eh yan pang si Liam na di naman masyadong gwapo..." Sus inggit lang to. Gwapo kaya si Liambaby ko.
"So anong dapat kong gawin?" Naiiyak na ko. Huhuhuh T_T
"Edi make over~" Sabay sabay sabi nung lima. Jillianne, Denica, Alyanne, Allison at Jessy.
Tapos lumapit sila sakin. At umupo sa tabi ko, break ngayon kaya walang tao ngayon sa classroom.
"Kelangan ko ba talaga nun? :( Pag ba nagmake-over ako, mapapansin nya nako? :(" dami pang doubts.
"Lets see. If yes, edi good, if not, pipinitin natin.. Tsaka lagi ka na nga may inilalagay na cream- o dun sa locker nya, swerte nya ha! Ako nga never mong binigyan nun ng labag sa loob mo!.." natatawang sabi ni Alynne. Tapos nagtawanan na kaming lahat. Hahahaha. Oo. Lagi akong naglalagay ng cream-o sa locker nya, di ko alam kung kinakain nya nga. Duh? Wala naman kayang gayuma yun. HAHAHA. Malapit ko ng lagyan XD
Nakita ko si Jeanne at Liam magkasama na naman. Ireport ko kaya sila sa Guidance. PDA kaya yun. -_- Ewww. Clingy nila. magbrebreak din yan. Kala naman nila forever na sila. Sus. Walang ganun. Kung kami pa baka magkaroon. HAHAHAHA.
Hanggang ngayon pinag-iisipan ko parin yung make over thingy na yun. I’m not sure kung go go ba ko sa trip nila. Hays. What do you think guys? Should I? Or not?
BINABASA MO ANG
Chasing Star
HumorGagawin mo lahat para mapansin ka ng crush mo. Stalk dito, stalk doon. Para mapansin ka nya. Lahat na ginawa mo. Pero sa kahahabol mo sa kanya, manonotice ka kaya nya? O wala syang paki sayo. At may pag asa kayang maging kayo? This story is all abou...