Chasing Star 23

38 2 0
                                    

Brent’s POV

Nakakabadtrip! >_______< Kailangan talaga kinikikwento yun?!! Nakakaasar talaga yungnlalaking yun. Epal nya sa love story namin ni babes. Bwahahahahaha. Lakas makababes. Pero nakakabadtrip talaga! Si Liam na naman!

“Oh Brent? Mukhang biyernes santo ngayon ah?” ay! Another epal. Si Joshy.

“hahahahahahaha.. Broken hearted ba?” pag aasar nya. Gago talaga to! Kundi lang talaga ano. Inupakan ko na to.

“Pero seryoso anong nangyare bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?” seyosong tanung nya. Nasa may kiosk kasi kami ngayon. Tambayan ko rin to e. Dahil Vacant namin. Andito ako. Ewan ko lang sa isang to kumbakit andito.

Di pa rin ako naimik. Nabwibwisit lang ako!

“Ang hina mo kasi! Mamaya uunahan na kita sa kanya. Bahala ka!” pagbabanta nya. Sa ngayon, ayoko pang malaman ni Yella tong nararamdaman ko. Baka umiwas pa yun sa akin. Di ko kakayanin. Lol

“Pwedeng namahimik ka muna!!” medyo pasigaw kong sabi sa kanya. He shouts his mouth. Tapos umalis na rin sya. Buti naman. Gulo talaga ng lalaking yun.

***

Pumunta ako ng canteen para maglabas ng stress. Grabe! Nakakabwisit yung Liam na yun. Di ko alam kung aamin na ba ko kay Yella. O iiwasan ko sya. Hay. Hirap pag torpe.

***

Yella’s POV

Vacant namin ngayon. Pero wala pa rin si Brent. He acts so strange. Ano kayang nangyare dun? Kanina pang wala.

Pero kinikilig pa rin ako. Ikaw ba namang haranahin ng crush mo sa hallway, di ka kaya kiligin. Like omg!! Nalaglag na ata lahat sa akin pati pantyng de buhol. Hahaha. Joke! Eh keshe nemen e, eng hebe ng heer ke. Hehehe. Lende ke pe.

Hahahaha. Pamatay ovaries, egg cells, arteries, veins etc. Grabe!! :""""""> i think i gonna die. Hahahah. Eto na ba ang simula ng aming malafairy tale na love story? Omg!! Kinikilig ang pempem ko. Hahhahaha. Dirty thoughts Yella! Bad ka!

“Hoy!!” ay palakang lumipad!

“Wulanjo! Kailangan ginugulat?!” walangyang Jillianne to. Hahaha. Panira ng aking kilig momentszxc. Hahaha.

“Kanina ka pa kayang pangiti ngiti dyan! Jusko! Utang na loob at labas! Di pa rin nakakamove on sa nangyare kanina?” sabi nya with matching hand gestures. Eh sa nakakakilig pala. Palibhasa mga expired.

“Heh! Bitter mo! Manahimik kana lang dyan! Hahahaha..” inirapan lang ako ng luka. Dukiyin ko kayaa yung mata nya. Hahahajoke. Mabait ako e.

Bago magring a bell, dumating na rin si Brent. He's wearing a black aura. Anyare dun? Kanina pa syang ganun. Sapakin ko kaya to mamaya?

Dumating na ang teacher namin. At nagstart na ng lesson. Hay. Boringggg. Sarap lang matulog. And now, dismissal na. Pinalabas ko muna lahat ng tao. We need privacy. Ehem! Nosebleed ako dun ah! Hahaa.  Lumapit ako kay Brent.

“Brent, anong nangyayare ba sayo?” tanung ko sa kanya, habang nag aayos sya ng gamit.

“Wala.” tipid nyang sagot. Tapos he walks out. Di ko sya pinigilan. Tsaka ko na lang sya kakausapin kapag malamig na ang ulo nya.

***

“Joshy, tara na!” aya ko kay Joshy. Naglinis pa kasi ako ng room. Nabadtrip kasi ako kay Brent. Sungit sungit nya.

Ganito ako pagbadtrip, sumisipag. Pero bihira lang ako mabadtrip kaya bihira din ako magsipag.

Naglalakad na kami ni Joshy. Tapos nakita ko si Liam. Nag-iisa. Lalapitan ko sana pero may lumapit na babae. Wulanjong babae yun! Kung di lang ako mabait, nakalbo ko na lahat ng buhok nya. Naku! Naku!

**

Brent’s POV

Nasa bahay na ko ngayon. Specifically nasa kwarto ko. Nakatulala sa kisame.

Naiinis ako. Di ko alam kung bakit. Ugh! Tinatanung nya kung bakit? Anong nangyayare? Ughh! Gusto kong isigaw lahat. Pero di ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Ngayon na ba ang tamang panahon para dun? Di ko alam. Magulo. Nakakalito. Di ko alam ang gagawin ko. Psh. Hirap palang main love. Psh. God, bigyan nyo po ako ng lakas ng loob para maamin ko sa kanya.

Bukas na bukas aamin na talaga ako sa kanya.

----

Lame update. Hahaha. Bukas ulit, if i have time. So, thanks sa nagbabasa nito. Vote and comment po. :)

Chasing StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon