Chasing Star 16

59 1 0
                                    

Hi Guys! New update ulit :) thankyou sa nagbabasa nito. ;) Vote and Comment po.

~

Joshy’s POV

“Joshy! Sama kana kasi..” sabi nya habang inaagaw yung note book ko.

“Ayoko nga!” medyo pasigaw pong sabi.

Ang kulit kasi. Nung last week pa syang ganito. -_- nakakastress. Simula nung medyo busy sila Liam at Yella. Iniinvite nya kasi ako sa isang party ‘daw’

“Andamot naman e!” pagmamaktol nya. Ito ba talaga yung nagustuhan nya sa babeng to? Mas malala pa pala to kay girl e.

“Ayoko nga kasi Jeanne! Ang kulit mo!” pagkasabi ko nun, umupo ako. Tapos sya tumayo sa harap ko at nagpout. Pwede ng sabitan ng kaldero nguso nya. Hahaha.

Di ko sya pinansin kasi nagcoconcentrate ako sa sinasagutan ko. Math pa naman. Naiintindihan ko naman kaso ang hindi ko maintidihan kung bakit pa hinahanap ang value na ‘X’ na yan at sinamahan pa ng ‘Y’. Srsly? Andami daming letters sa alphabet X at Y pa talaga?

Broken Hearted na nga yung iba! Pagahahanapin pa ng X at Y.

Hay naku! Ang buhay parang life.

---

Yella’s POV

“Yella? Anyare dyan sa mukha mo? Mukha kang nagbibyernes santo..” tanung ni Allison sa akin.

Kasi naman! Nakakaasar!!

“Kasi nakita ko sya!” nakasimagot kong sabi.

“Sino?” they said in chorus.

“Si Alexander Reyes!”

“Hi darling!” anak ng---!!

“Anong ginagawa mo dito?!!” sigaw ko sa kanya. Nakakainis kasi. We used to be bestfriend. But now we’re enemy.

“Yieeeeeeeee....” letseng mga tae to! -_____-

“Yella kasi! Sorry naaaa! dito na nga ako papasok e..” then he pout.

“whaaaaaat?!” im gonna sakal sakal this alien! Nakakainis.

Who is Alexander Reyes?

Sya lang naman yung first love ko na pinagpalit ako sa mukhang hito na aso na kabayo na ughhhh!! Nakakainis lang kasi, dahil lang sa isang painting. But he’s one of my bestfriends. Kasama sya sa dark angels (tawag sa group namin nila joshy). Pero wala e! Yanga tanga sya! Tapos lumipat pa sya ng school kaya, nakakapagtampo talaga to!

“Dun ka sa Dianna mo!!”

“Yiieee! Si babe nagseselos..” anak ng!! Nakakadiri to! Eww.

“Like duhh? Ako? Nagseselos? Over my sexy, hot, gorgeous corpse!!” kala nya ha! Hahaha.

“Babe naman e!!”

“Babe? Mukha ba akong baboy?”

Lumapit sya sa akin tapos kinilikiti nya ako. Waaaaah! Nakakamiss din pala to. Hahaha. Bestfriends kami dati di ba? Di naman ako galit sa kanya, ganito lang kami minsan, bumebest actress at actor. Hahahahahahaha.

“A-alex! Hahhahahahaha.. Tama.. Hahhaha na.. Hahahahahaha..” alam na alam nya yung kiliti ko.

“Ano ba yan! Dito pa talaga naglalandian!” napatigil kaming lahat. It’s Brent.

E-eh? Anyare dun?

~

Allison’s  POV

Hays. Nakakaloka tong si Alexander at Yella. They used to be like that. Kahit na mag ex sila. No hard feelings na sa kanila. Engot lang ni Alexander kasi pinagpalit nya si Yella kay Dianna na yun. Pero moved na naman sila. Kaya okay na.

Pero habang pinanunuod namin yung dalawa.

“Omg! Ang sweet nila noh?” sabi ni Jessy na parang kinikilig pa.

“Oo nga! Pero mas sweet pa dyan si baby!” sabat naman ni Jillianne.

Tinagnan namin sya at.. “Yuck!” srsly? Baby? That’s gross. Napakacommon, tsaka basta eww. Mas okay pa yung bæ. Qtqt kaya parang ako lang. Bwahahahahaha.

Pero habang pinanunuod namin yung dalwang naglalandian. May pumasok.

“Ano ba yan! Dito pa talaga naglalandian!” its Brent. If im not mistaken.

Napansin nya sigurong may tao. “Ay! May tao pala! Hahahaah. Sorry!” tapos nag peace sign sya. Tapos umupo sa upuan nya at umob ob.

Kala ko naman! Hahaha.

~

Yella’s POV

Dismissal na..

“Guys daan tayo sa kanto! Gusto ko ng streetfoods.”

Habang naglalakad kami. Napansin kong nasa likod pala namin si Jeanne at Liam.

“Hi Joshy!” sabi ni Jeanne tapos nagsmile pa sya.

Eh?

Anong meron?

Di sya pinansin ni Joshy. Suplada hahaha este suplado si manong! XD

Dumiretso na kami kela Nanay Dessy.

“Hi Nanay!” masigla naming sabi.

“Oh? Kayo pala! Di na kauo napapadaan dito..”

“Oo nga po e, busy masyado sa school.” sabi ni Denica.

“Ayos naman pala e. Ano sa inyo?'”

After naming umorder ng isaw, betamax, etc.

Nakakamiss pala noh? Grabe! Dami kasing ginagawa. Nakakapagod pero sobrang saya naman. Ganun naman daw ang highschool life e. Madaming ginagawa pero ito yung pinakamasayang part ng pag aaral. Middle part kumbaga. Kasi nung elementary naman puro laro sa college naman di pwedeng easy go lucky.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Pag naging kami talaga ni Liam , dadalhin ko sya dun. Tapos ililibre ko sya ng maraming isaw, betamax at kung ano ano. Hehe.

Pero may pag asa bangmangyare yun? Sa ngayon wala pa kong pinanghahawakan pero yun ang gusto ko. Sana kahit isang araw lang.

~

1k na! Omg! Hahaha thankyou sa inyo. :* ansaya saya ko. Kahit na ang lame ng update. Hahaha. Trying hard ako e. Hahaha. Pero thankyou sa inyo! :))) May update ako bukas promise! :)) May new character. Hahaha. Di pa sure. Pero basta! Hahaha. Abangan!! :)))

Chasing StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon