PROLOGUE

90 28 0
                                    

We are all better off than we realize, and we typically receive what we wish for or something close to it.

SYXINE POV'S

Napakaganda ng mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na mga buwan. Para sa akin, ito ay panahon ko dahil sunod-sunod na swerte at pagpapala ang dumating sa akin na hindi ko inaasahan. Sa simula, naramdaman ko ang agam-agam at pag-aalinlangan. Akala ko nagbibiro lang ang tadhana, na baka ito ay isa lamang panandaliang kasiyahan na mawawala rin agad. Ngunit habang tumatagal, napagtanto ko na totoo pala ang lahat.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit sunod-sunod ang swerte na dumating sa akin. Baka ito ay bunga ng aking mga pinaghirapan at mga sakripisyong ginawa ko sa nakaraan. Baka ito ay dahil sa aking mga dasal at pananampalataya. O baka ito ay dahil sa tadhana na may sariling paraan ng pagpapakita ng mga biyaya.

Anuman ang dahilan, isa lang ang aking natitiyak: ang mga nakaraang buwan ay puno ng swerte at pagpapala. At sa bawat swerte na dumarating, lalo ko pang pinahahalagahan ang bawat araw at pinagsusumikapan ko na maging mas mabuti at mas mapagbigay. Dahil sa huli, hindi lamang ang swerte ang mahalaga, kundi kung paano natin ito ginagamit para maging inspirasyon sa iba.

Ano nga bang swerte ang dumating sa buhay ko na aking tinutukoy?

Ito ay ang pagsikat ng ginawa kong kwento na pinamagatang VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1) na kung saan ito ay halos pag-usapan ng libo-libong wattpader at mga bibliophiles babies ko.

Sobrang naging espesyal ang ginawa kong kwento na ito dahil ito ang halos bumuo ng limang taon ko sa pagiging wattpad author. Noong April ko lang kasi ito natapos, samantalang isinulat ko ito noong January, last year.

Sa kabila ng kasikatan na mayroon ako ngayon ay hindi naging madali ang pinagdaanan ko. Dumating ako sa punto na pinipilit ko na lang ang sarili ko na gumawa ng kwento o ipagpatuloy ang chapter sa bawat araw para matapos na agad. Feeling ko ay nagmamadali akong magsulat at wala ng sense ang isinusulat ko.

Ang isang WATTPAD AUTHOR ay dapat na mayroong isang puso na puno ng kasiyahan at pagmamahal sa pagsusulat. Hindi lamang ito isang karera o isang paraan ng pagkakakitaan, ngunit isang tunay na fashion na nagmumula sa kaibuturan ng puso. Ang pagsusulat ay hindi lamang isang gawain, ngunit isang ekspresyon ng kanilang sarili, mga saloobin, mga pangarap, at mga karanasan sa buhay.

Ang isang tunay na WATTPAD AUTHOR ay sumusulat hindi dahil sa obligasyon o dahil sa pressure mula sa iba, ngunit dahil sa kasiyahan na kanilang natatamo mula sa pagsusulat. Sila ay sumusulat dahil ito ang kanilang natatanging paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga damdamin at saloobin. Ang pagsusulat para sa kanila ay isang paglalakbay, isang patuloy na proseso ng pagtuklas at pag-unlad.

Kaya naman, ako bilang isang WATTPAD AUTHOR ay hindi lamang isang manunulat, ngunit isang artist na nagpapahayag ng aking mga ideya at emosyon sa pamamagitan ng aking mga salita. Ang aking mga akda ay hindi lamang mga kwento, ngunit mga obra maestra na nagpapakita ng aking talento, kreatibidad, at dedikasyon sa sining. Sa bawat salita, sa bawat linya, sa bawat pahina na isinusulat, ang isang WATTPAD AUTHOR ay nagpapakita ng kanilang puso na puno ng kasiyahan sa pagsusulat.

Sa kabilang banda, nang mabasa ko ang mga positibong komento mula sa aking mga mambabasa, ang aking puso ay napuno ng labis na kasiyahan. Ang bawat salita ng paghanga at pagkilala sa aking gawa ay parang isang pagsabog ng mga bituin sa aking kalangitan, nagbibigay liwanag sa aking daan at nagpapalakas sa aking loob na patuloy na magsulat.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon