Nasa author ang true love, hehe.
JORDAN POV'S
"Baka antukin tayo." Mahinang bulong niya habang nakaharang ang daliri niya sa mga labi nito.
"Hindi 'yan." Hinalikan ko siya sa ilong.
"Paano ka nakakasigurado?"
"Ewan, wala namang sigurado sa mundo e." Hinalikan ko siya sa noo.
"Tama na nga, andaming tao oh." tumingin siya sa may kalsada.
Marami na ngang taong nadaraan pero ano namang pakialam ko. Wala namang masama sa ginagawa namin ah. It's a way of showing love. Ang masama ay 'yung naiinggit sila HAHA.
"Hayaan muna." Hinalikan ko siya sa kaliwang pisngi.
"Sabi ni tita Danna ay makakaramdam tayo ng antok kapag magkahawak ang kamay natin or nagkaroon tayo ng physical touch in one minute, di'ba?" Pagtatanong ko bago siya hinalikan sa kanang pisngi.
Tinarayan niya ako. "Oh, tapos?"
"Invalid siguro kung ganito, di'ba?" Binigyan ko siya ng smack kiss.
Naramdaman ko namang humalik rin siya. Ilang beses ko pa iyong inulit bago siya niyakap.
"Tama na falconet, inaantok na ako." Saad niya pero nakayakap pa rin naman siya.
"5 seconds na lang." Request ko.
"E inaantok na nga ako." Saad niya na mahahalat na sa boses niya.
Huminga ako nang malalim bago humiwalay sa yakap at halikan siya sa noo.
"Ang hirap mong mahalin, may limitation." Nakangusong saad ko.
Bakit naman kasi ganito ang magmahal e?
"Ikaw rin naman ah."
"Tss, tara na nga doon. Kanina pa tayo hinahanap." Saad ko.
Agad na kaming nagpunta sa kubo kung nasaan ang mga director, writer at mga staff na parte ng pelikula. Nandito rin pala si Chelster dahil naging guest siya sa pelikula.
"Hello, Syxine." Pagbati niya pero sinamaan ko siya nang tingin.
"Hoy Chelster, maghanap ka na nga ng iba." Hinigit ko si Syxine palapit sa akin.
"Ayoko nga, wala siyang katulad noh." Saad niya at kinindatan pa si Syxine.
Nakita ko namang napangiti si Syxine. "Cute ng kapatid mo noh."
"Anong cute ka d'yan?" Nagmamaktol kunwaring tanong ko.
"Tss, huwag ka ngang magselos sa kapatid mo." Kinurot niya ang ilong ko.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...