Strong friendship doesn't
need daily conversationALZINA POV'S
Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa hindi inaasahang pagkakataon.
Maaaring sa school, sa trabaho, at sa lugar kung nasaan sila ngayon... pero kaming tatlo nina Najina at Syxine ay nagkakilala sa isang book signing event ng male famous wattpad author dito sa Pilipinas.
Ito ay si David Manalo. His penname or username is PenIsBlack.
Bukod kasi sa napakagaling niyang magsulat ay napakagwapo pa niya.
'Yung mga mata niya ay tila ba mga tinta na kusang nagbibigay ng idea sa aming mga fans na mahalin siya.
Napaka-cute niya rin kapag ngumingiti at pakiramdam ko nga ay kapag tapos ko ng basahin ang storya niya ay uulitin ko pa rin.
FLASHBACK
Pagkatapos ng klase namin ngayong araw ay mabilis akong umuwi sa bahay at nagpalit ng suot ko.
Dinala ko rin ang copy ng libro niya upang makapagpa-autograph sa kanya.
"Sa SM North Edsa tayo." Saad ko sa driver ko.
"Sigurado na po ba kayong aalis kayo ng hindi nagpapaalam sa mommy niyo? Baka mapagalitan na naman po kayo." Nag-aalalang tanong niya.
"Okay lang, immune na po ako." Natatawang sagot ko sa kanya.
Hindi pa kasi ako pinapayagan ni mommy na pumunta sa mga ganitong book singing event dahil napakabata ko pa raw at wala raw akong matutunan sa wattpad na 'yan, 15 yrs old pa lang kasi ako.
Kung alam niya lang kung gaano kalaki ang naitulong sa akin ng wattpad ay matututo na rin siyang magbasa mula sa app na ito at mamahalin niya rin pati ang mga bida sa story nito.
Mabilis na niyang pinaandar ang kotse at agad rin naman kaming nakapunta sa lugar na iyon ngunit halos buhat ko ang buong daigdig ng dumating ako roon dahil tapos na pala ang event.
Dapat pala ay hindi na ako pumasok sa school para naabutan ko si David!
Kung hindi lang ako ita-transfer kapag umabsent ako sa kahit anong subject ay ginawa ko na!
Nakakainis!
Aalis na sana ako ng may marinig akong umiiyak sa gilid. Lumapit ako roon at napansin kong dalawa silang babae pero ang isa ay inaalo ang babaeng umiiyak.
Sa aking palagay ay mga ka-edad ko lang rin sila.
"Ok lang 'yan! May next event pa naman. Malay mo bukas mag-post na siya na may event ulit na ganito."
"Dapat ngayon na." Sagot ng babaeng umiiyak.
Hindi rin siguro sila nakaabot sa book signing.
Nilapitan ko silang dalawa at bahagya pa akong natawa dahil napansin kong mugto na ang mata ng isang babae.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...