Hindi mo kailangan ng taong kayang ibigay sa'yo ang lahat. Ang kailangan mo, 'yung taong kayang iparamdam sa'yo na mas importante ka sa lahat.
SYXINE POV'S
Maraming pagkakataon na ang pinalipas kong gumawa ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Madalas ay mabilis ko lang gawin iyon upang hindi ako magsisisi sa huli pero ngayon, ang ginawa ko ang kakaiba sa lahat.
Hinalikan ko siya!
Hinalikan ko si Jordan!
Hinalikan ko siya sa harap ng maraming tao!
Nakakahiya!
Bakit ko ba naisipang gawin iyon sa kanya? At sa harap pa talaga ng mga media ah!
"Congratulations!" Iyon ang huling salitang narinig ko bago ako nakaramdam ng antok.
Makalipas ang ilang oras ay nagising akong nasa condo na.
"Ano bang nangyari?" Pagtatanong ko sa sarili ko habang hinihilot-hilot pa ang ulo ko.
Napatingin ako sa suot ko at halos magulat ako nang makita kong nakasuot ako ng pajama na hindi naman familiar sa akin kung kanino.
Kanino ito?
Nagpalit ba ako ng suot ko?
Wala akong natatandaan.
Dahan-dahan akong umupo upang abutin ang cellphone na nakapatong sa side table ko.
Alas dos na pala ng hapon at marami rin akong tawag na natanggap kay Alzina at Najina. Siguradong hina-hunting na nila ako ngayon.
Lagot na!
Binuksan ko ang messenger ko at doon tumawag sa group chat naming magkakaibigan. Agad namang sumagot si Alzina pero ang nakakapagtaka lang ay parang familiar sa akin ang lugar na kinatatayuan nila.
"Hoy! Lumabas ka d'yan!" Biglang sulpot ni Najina sa screen.
"Magkasama kayo?" Pagtatanong ko nang makita ko silang dalawa sa iisang screen.
"Obvious naman di'ba?!" Galit na tanong niya at ipinakita pang magkasama sila.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomansaSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...