AN: Sorry for the late update DREAMERS! Sobrang busy ko kasi sa school works tapos ilang araw pa na nawala ang clearance at activity ko. But don't worry, kung makakalimutin man akong tao e pagdating naman sa wattpad e naaalala ko palagi. HEHE.
Enjoy reading, DREAMERS!
MysCarlime ^_^
***
When most of us are always strangers to others, our entire lives depend on how moral they are.
SYXINE POV'SNakatulala pa rin ako sa aking laptop habang pinagmamasdan ang buong mukha ni Jordan.
Sa mahigit na isang buwan ay siya ang palaging laman ng panaginip ko at ngayong nag-uumpisa na ako sa aking pagsusulat ng draft sa chapter 2 ay kailangan na niyang malaman ang lahat para sa akin upang matulungan ko siya at nang matapos na ang storyang ito.
Maya-maya lang ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina upang kumain. Mabuti na lamang at kakaumpisa pa lang din nina Najina at Alzina kumain.
"Bakit hindi niyo ako tinawag?" Reklamo ko habang naupo.
"Alam mo sizzy, sobrang busy mo kasi. Alam kong marami ka pang ginagawa at nahihirapan kang magsulat ng story mo kaya hindi ka na namin tinawag. Ipinagluto naman kita ng paborito mong isda na donpilas." Saad ni Najina, sipsip.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya.
"Tss, hindi ko nga maisip ang susunod na scene." Pagsisinungaling ko.
Kunwari pa akong umakto na walang maisip pero ang totoo ay buo na sa panaginip ko ang chapter 2.
"Okay lang sizzy, gusto mo bang tulungan kita?" Tanong niya.
"Huwag na, unahin mo muna ang storya mo."
"Kumain kaya muna kayo." Reklamo ni Alzina.
Hindi kasi siya talaga nakikipagkwentuhan habang kumakain.
"Sobrang na-miss mo talaga ako noh!" Medyo naiinis na saad ko.
Mas mahalaga pa sa kanya ang pagkain kesa sa tanungin ang kalagayan ko.
"I will talk to you later." Saad niya ng hindi tumitingin sa akin.
Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Naparami pa ang kain ko ngayon dahil sa ilang araw na walang laman ang tiyan ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maisip kung paanong nangyari na dalawang araw akong tulog e parang kanina lang naman ay nagsusulat pa ako.
Napahinga na lang ako nang malalim.
Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kakaibang estilo nang pagsusulat.
Mula sa panaginip na totoo pala in real life.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...