CHAPTER 23: BE SURPRISED

15 13 0
                                    

While you’re having insecurities, someone’s admiring you silently

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

While you’re having insecurities, someone’s admiring you silently.

NAJINA POV'S

Sa buhay ko ngayon ay masasabi kong swerte na ako dahil nakamit ko na ang pangarap kong maging isang sikat na author at bukod doon ay mayroon pa akong matinong trabaho pero mukhang mawawala na ang isa sa mga iyon.

Matapos kasing ipakulong ni Syxine si Wesly ay nagresign na din ako sa pagiging secretary niya at hindi ako makapaniwalang gagawin ni Wesly kay Syxine ang ganoong treatment. Hindi ko siya gaanong kilala dahil ilang buwan pa lang naman kaming nagkakasama at madalas ay trabaho ang pinag-uusapan namin kaya't nang malaman ko ang balitang iyon ay nagalit rin ako sa kanya na halos ay gusto ko na siyang patayin!

Si Syxine ang lubos na nakakakilala sa kanya kaya't ramdam kong mabait siyang tao. Agad kong tinanggap ang inalok ni Wesly pagiging secretary niya... Pero, t*ng ina siya! Sinaktan niya ang babaeng mahal niya! Sinaktan niya ang bestfriend ko!

Matindi siguro ang naging epekto kay Wesly ng nabalitaan niya kaya't nagpakalasing siya nang sobra lalo pa't nalaman niyang kababata at pinsan pa niya ang bagong minamahal ng taong mahal niya. Kung ako man ang nasa ganoong sitwasyon ay masasaktan rin ako pero hindi naman tama ang ginawa niya!

Dahil sa ginawa niya ay pwede iyong mag-iwan ng trauma kay Syxine! F*ck!

"Okay ka na ba ngayon?" Pagtatanong ko kay Syxine pagkatapos niyang lumabas sa police station.

Tumango siya bilang sagot.

"You did a great job sizzy! Dapat lang na makulong siya." Saad ni Alzina.

"Tama ka d'yan!" Pag-agree naman ni Renzo.

"Umuwi na muna tayo." Mahinahong saad ni Jordan kay Syxine.

Tumango lang ulit si Syxine at nauna nang sumakay sa kotse.

"Hayaan na muna natin siya." Saad sa akin ni Alzina ng makita niyang malungkot ako, tinapik pa niya ang balikat ko.

"Ikaw na ang bahala sa kanya ah." Pagpapaalala ko kay Jordan bago siya sumakay sa kotse niya.

"Oo, hindi ko siya iiwan." Sinserong saad niya.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti na nagsasabing may tiwala ako sa kanya.

Pagkaalis nila ay nagpaalam na rin sa amin si Renzo na kailangan na raw niyang umalis dahil siguradong guguluhin siya ng mga reporter tungkol sa issue na ito lalo pa't sangkot ang CEO ng publishing book company.

Makalipas ang ilang oras ay umuwi na kaming dalawa ni Alzina.

"Nasaan si Ate Sy?!" Naiiyak na tanong ni Owen ng madatnan namin siyang nandoon sa labas ng boarding house.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon