Maraming g*go sa mundo.
Umayos ka baka makasali ka.
Hehe ^_^
SYXINE POV'SMaraming swerte ang dumating sa akin nitong mga nakaraang buwan pero bakit bigla na lang nagbago?
Naramdaman ko ang isang bagong kabanata na magsisimula sa aking buhay. Isang kabanata na puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, ng mga hindi maipaliwanag na emosyon, at ng mga hindi malilimutang karanasan. Isang kabanata na sa kabila ng lahat, ay tiyak kong haharapin ng may tapang at determinasyon."Mamaaaaaa! Help me!" Mabilis na tumayo at tumakbo ang lalaki papunta sa second floor ng mall habang sinusundan siya ng mga babae na sa bilang ko ay mga sampu sila.
Mabilis naman akong naupo at inis na tiningnan ang lalaki.
Gag* ba 'yun?
Hindi ba niya alam ba parehas kaming natumba?
Parang wala lang sa kanya ah!
Nang mapadaan sa amin ang mga humahabol sa kanyang mga kababaihan ay tumigil ang mga ito at nag-usisa sa kung anong event ang nangyayari.
"Ala! Si Xinepen 'yun di'ba?" Narinig kong tanong ng babaeng mataba na nasa tabi ng aking poster standee 🤙sa bandang kaliwa na hindi kalayuan sa stage, tila nanlalaki pa ang mata niya habang itinuturo ako.
"Oo nga! Totoo palang may book signing siya!" Saad ng isang babaeng nakasuot ng white shirt at pink cargo pants.
"Akala ko sa kwento lang siya mayabang e!" Saad ng babaeng mataba.
Napabuga ako nang malalim matapos marinig iyon sa babae.
"At least 'yung ipinagyayabang niya ay totoo." Pagsingit ng babaeng mahaba ang buhok.
"Hindi lahat totoo noh! Bakit? Totoo bang may kotse siyang nagkakahalaga ng 12 million?" Mataray na tanong ng babaeng mataba.
May kotse naman talaga na may halagang 12 million di'ba?
"Fictional character naman kasi niya 'yon! Si Alliah Joyce Lavaro 'yon!" Mariing saad ng babaeng mahaba ang buhok.
"Kahit na! Dapat hindi siya nagyayabang ng gano'n!... Nakakainggit kayaaaa!" Sumigaw pa ito dahil sa kainggitan sa main character sa story na isinulat ko.
Sa halip na makaramdam ng inis sa kanila ay mas natuwa pa ako dahil naaalala nila ang ibang information sa kwento ko.
Nakakataba talaga ng puso kapag nakakarinig ng ganoong mga salita. Pakiramdam ko ay nagdidiwang ang mga bituin sa langit sa sobrang saya ko!
"Mag-uumpisa na tayo!" Napatigil ako sa pag-e-emote nang biglang magsalita ang isang lalaki upang simulan ang event.
Tsk! Hindi ba nila alam na may bigla na lang nangyari?... Siguro, hindi na nila napansin?
Anyway, bakit nga ba ako pumayag na gawin ito?
Sinadya ba ng CEO na mangyari ito dahil alam niyang ito ang gusto ko?
Hyst! Bahala na!
"Good day everyone and especially to our dearest guest Ms. Syxine Wright o mas kilala bilang Ms. Xinepen!" Masayang pagbati sa akin ng baklang emcee.
"Good day to all! Thank you so much for the warm welcome. It's a pleasure to be here with you today." Pagbati ko sa kanya at sa mga taong naririto na unti-unti nang dumarami.
Nabalitaan kaya nilang naririto ako?
"Miss Xinepen, sobrang idol po kita!" Sigaw ng isang babae na may hawak na banner na kung saan ay nakasulat doon ang pamagat ng libro ko.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...