Hindi mo mapipigilan kung anong nakatakda para sa'yo.
SYXINE POV'S
Three months later...
Sa mga nagdaang mga araw ay ginawa kong busy ang sarili ko sa pagsusulat ng bago kong story.
It was entitled Perfection beside me. Ito ay tungkol sa buhay ng isang artista na si Jordan na kung saan ay isa rin siyang wattpader or wattpad reader.
Sinabi kasi noon ng mga kaibigan ko na may artista raw akong fan na isang wattpader kaya't ginawa ko na itong story. Ilang beses ko na rin kasi iyong napapanaginipan kaya't isinulat ko na.
Simula noong mai-published ko ang Prologue at Chapter 1 sa kwento ko ay nag-iba ang panaginip ko. Para siyang sequence sa buhay ng fictional character ko kaya't natutuwa akong magsulat. Parang tinutulungan ako ng panaginip ko na dugtungan kung ano ang mangyayari sa kwento ko.
Minsan, sinubukan ko na ibahin ang sequence na malayo sa napapanaginipan ko pero habang nagsusulat ako ay bigla na lang akong nakatulog at napanaginipan ko na naman simula umpisa. Tatlong beses na iyong nangyari sa akin kaya't hindi ko na inulit. Masaya naman e.
"Sizzy, may draft ka na ng Chapter 2 mo? Pabasa naman." Pangungulit sa akin ni Najina dahil nacu-curious siya sa male lead character ko.
Maraming comment na nga siya sa story ko at paulit-ulit na nagtatanong kung kelan ulit ako mag-a-update. Halatang excited siya sa susunod na mangyayari sa kwento ko.
"Under revision pa. At saka hintayin mo na lang ang update ko. Sabay-sabay kayong magbasa ng readers ko."
"Pwedeng mauna na ako?" Nagmamakaawang tanong niya.
No effect 'yan sa akin, sorry sizzy. HAHA
"Oo," sagot ko na ikinatuwa niya.
"Salamat talaga sizzy! Love na love mo talaga ako. Nasaan na 'yung draft? Patingin nga ak---" napatigil siya sa pagsasalita.
"Mauna ka nang mag-published."
"Sizzy naman! Napakadamot mo talaga."
"Thank you." Pang-aasar na saad ko at lumabas na ng kwarto. Sinundan naman niya ako hanggang sa makalabas ako ng boarding house.
"May lakad ka ngayon? Ikaw lang mag-isa?" Tumingin pa siya sa paligid.
Tss. Mukha ba akong may kasama?
"Oo. May ime-meet ako ngayon." Saad ko kahit na ang totoo ay pupunta ako sa bookstore para tingnan kung nakadisplay na ang libro ko sa store at balak ko rin kasing alamin kung ano ang nasa bookstore dahil doon ang next scene ng panaginip ko.
Hindi ko alam kung paano i-describe ang book store dahil hindi pa naman ako nakakapunta roon kaya't mas mabuting pumunta ng personal kesa sa imagination lang.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...