CHAPTER 21: RISK

14 13 0
                                    

They're just fictional characters,but the emotional damagethey cause it is real!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

They're just fictional characters,
but the emotional damage
they cause it is real!


SYXINE POV'S

KINABUKASAN

Hinihingal akong nagising dahil sa kakaibang panaginip ko.

DREAMS CHAPTER 4

Pagkatapos ng nangyari sa press conference ay agad kaming umuwi ni Jordan at hindi nagpansinan hanggang sa nakatulog ako. Paggising ay nag-away kami ni Jordan tungkol sa nangyaring iyon kaya't napagpasyahan kong magpunta sa mini bar at doon ay nag-inom ako nang nag-inom hanggang sa malasing ako.

Nang makabalik ako sa condo ay agad akong nakatulog at paggising ko ay nabalitaan kong naaksidente si Jordan habang nasa shooting sa school.

END

Bakit ganoon ang panaginip ko?

Kailangang may gawin ako!

Mabilis akong bumangon at uminom agad ng tubig dahil sa sakit ng ulo ko.

"K-kailangan k-ko siyang iligtas." Nahihirapang saad ko dahil sa bahagyang pagkirot ng ulo ko.

Mina-migraine na naman siguro ako.

Pagkatapos uminom ng tubig ay agad kong hinanap ang cellphone ko para tawagan si Jordan pero hindi ito nasagot, ganun din si Renzo.

"Galit pa ba siya sa akin?" Pagtatanong ko habang tumatawag kay Jordan.

Nakailang ikot na ako sa kwarto ko at sa kwarto niya pero hindi parin siya sumasagot.

"Falconet! Sumagot ka!" Inis na saad ko sa cellphone ko.

Sunod kong tinawagan si Renzo pero hindi pa din siya sumasagot.

"Nasaan ba sila? Nasa shooting na kaya?"

Kabado ako sa bawat oras na dumarating. Hindi ko alam kung anong eksaktong oras nangyari iyon pero sigurado akong ngayon iyon.


Ngayong araw na ito!

Nagpasya akong magbihis at agad na bumaba ng condo.

Kailangan ko siyang puntahan!

Habang nasa elevator ay panay pa rin ang tawag ko sa dalawa pero hindi pa rin sila sumasagot.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon