"Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a
part of your destiny."- Steve Maraboli
SYXINE POV'S
Maraming tao ang bigla na lang nating makilala at sa hindi inaasahan ay magiging parte pala siya sa buhay natin, maaaring maging kapamilya o kaibigan pero bandang huli, kapag nasaktan ka niya, masasabi mo na lang talaga sa sarili mo na may rason kung bakit mo siya nakilala.
Naging masaya ka naman sa kanya e, naging masaya kayo sa piling ng isa't isa... Pero hindi pang habang buhay. Maaaring nagtapos nang mabilis, at least tama ang inyong napili.
Pagkatapos kong makipagkita kay Wesly at iwan siya ay umuwi na ako sa condo ni Jordan at doon nagsulat ng para sa Chapter 2. Baka sumakit pa lalo ang ulo ko kapag hindi na ako nakapagsulat. Marami na ring comment na nagtatanong kung may balak pa raw ba akong magsulat.
Tss, Hindi kaya madaling magsulat!
Dami kayang gawain tapos iisipin mo kung paano isisingit ang pagsusulat tapos minsan ay nakalimutan mo na ang mga mangyayari at posibleng isulat mo sa kwento. Sobrang hirap!
Pero kahit ganun, magsusulat pa rin ako!The joy I find in writing will, I hope, be felt by my readers.
Pagkalipas ng ilang oras ay natapos ko na ang pagsusulat kaya ipinublished ko na ito at nag-inat-inat nang konte.
"Siguradong magtataka ang mga readers ko kung bakit gano'n kadaling nagkakilala ang mga bida sa kwento ko." Napapailing pang bulong ko habang inaayos ang laptop ko.
Mahihiga na sana ako sa kama nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Owen is calling...
"Oh, bakit?" Pagsagot ko sa tawag niya.
"Ate Zin, samahan mo nga ako."
"Aba, parang bibili lang ng candy kung magyaya ah... Saan ba?"
"Hindi ko nga alam e."
"Ha?"
"E magbibirthday na kasi ang girlfriend ko, hindi ko alam kung saan ako bibili ng pang regalo sa kanya."
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...