CHAPTER 10: UNLOOKED-FOR

21 22 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sometimes in life, the best
things come out of the blue.

SYXINE POV'S

"Sorry na," naluluha kong saad kayna Najina at Alzina. "Arayyy ko!" daing ko nang bigla akong kurutin ni Najina sa tenga ko.

"Asawa mo siya?"

"Taga saan siya?"

"Ilan taon na?"

"Kailan pa?"

"Bakit hindi mo sinasabi sa amin?"

"Gaano na kayo katagal mag-jowa?"

"Bakit hindi ka nagsasabi tungkol sa kanya?"

'Yan ang sunod-sunod nilang tanong matapos sabihin ni Jordan na asawa ko raw siya.

Ini-lock pa talaga nila ang pinto ng boarding house para hindi makapasok ang lalaking iyon. Ngunit, panay naman ang katok niya sa pinto dahil nagbabakasakali siyang makapasok sa loob. Samantalang, ako naman ay kinorner nila sa likod ng pinto. Siguradong matutumba ako rito kapag binalak ni Jordan na sirain ang pinto.

"Hoy lalaki! Umalis ka na ngayon! Kung ayaw mong tanggalin namin ang dada d'yan sa hita mo!" Inis na sigaw ni Alzina habang nakapameyang pa sa harap ng pintuan na animo'y kausap ang lalaki.

Bahagya naman akong napangisi ng banggitin niya ang pinakamagandang word na binuo ko sa pinakahuli kong ginawang storya.

___

VERACITY IN LIFE (the untold truth series #1)

CHAPTER 45: DADA
Aaron's Iconic line: Okay, E di may alam ka about sa dada? Ilang inches ang alam mo?
___

"Anong nakakatawa Zin?!" Nawala ang ngiti ko ng tanungin ako ni Najina.

Napailang naman agad ako sa kanya bago nag-peace sign.

"Don't hurt my wife, papasukin niyo ako!" Sigaw ni Jordan mula sa labas.

"Wife, wife ka d'yan! T*nga ka ba? Bakit namin sasaktan ang kaibigan namin?"

"Ayy magkakaibigan pala kayo, sige lang." Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihing sige lang?

Hahayaan niya akong mabugbog rito dahil kaibigan ko naman ang mga kasama ko?

Napakawalanghiya talaga!

Ano pa bang aasahan ko sa lintek na 'yun?!

Ni hindi man lang magpaliwanag e.

Muli akong nakaramdam ng kaba nang tingnan ako ni Alzina na nanlalaki ang mata.

Siguradong minumura na niya ako sa isip niya ngayon.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon