CHAPTER 30: HOPE

18 13 0
                                    

I'm in love with your smile
I'm in love with your voice
I'm in love with your body
I'm in love with your laugh
I'm in love with your eyes
I'm in love with you.

ALZINA POV'S

Ang makitang nahihirapan ang isa sa mga kaibigan ko ang pinakamasakit sa lahat. Naalala ko noong unang lipat sa boarding house namin sina Najina at Syxine. Hindi sila sanay na mawalay sa kanilang lugar kaya't ilang araw din silang hindi nakatulog nang maayos kaya't sinamahan ko sila at nagkwentuhan tungkol sa maraming bagay. Nagkakasundo kaming lahat lalo na kapag pagiging author ang usapan. 'Yun ang isa sa mga magkakaparehong hilig namin. Napag-usapan rin namin ang unang pagkikita namin sa isang book signing event.

"Hindi pa rin ba kumakain si Syxine ngayon?" Nag-aalalang tanong ko kay Najina.

Kasalukuyan kaming nasa salas dito sa boarding house.

"Aba, malay ko. Magkasama tayo dito ah." Pilosopong sagot niya.

"Malay mo may nakapagsabi sa'yo." Tinarayan ko siya.

"Malay mo wala."

"Tss, magluluto na nga ako... Ano bang paborito niya baka kainin niya?"

"Isda ang pinakagusto niya, 'yung donpilas."

"Ahh oo nga pala... Baka maging sirena na siya kapag ganito nang ganito ang ulam niya." Pagbibiro ko.

"Hayaan muna, magluto ka na d'yan." Saad ko at nahiga sa sofa habang nagce-cellphone.

Halos mabitawan ko iyon ng may biglang mag-notif sa wattpad ko.

---
Notifications

Wattpad • now

@Xinepen updated Perfection beside me THE LAST CHAPTER

April 26, 2023 at 7:18 pm
---

"Sizzy! O-okay na yata si Zin!" Kinakabahang saad ko pero nakangiti.

Siguradong gising na rin si Jordan.

"Talaga? Papaano?"

"Hindi ko alam... Pero may update siya ngayon."

Agad na lumapit siya sa akin at sabay naming binasa ang huling chapter ng story niya.

Wait! Parang may mali!

"Bakit parang katulad ng nangyari kahapon?"

"Oo nga, 'yung last part lang ang naiba dahil nagkaroon ng asawa si Jordan."

"Oo nga e... Bakit hindi na lang niya isinulat na sila ang nagkatuluyan?"

"Maaaring maging iba ang daloy ng kwento. Hindi pa nga siya naipapakilala sa pamilya ni Jordan e... Siguradong hindi siya tatanggapin ng pamilya n'on."

"Tama ka... Siguradong malulungkot ang mga readers niya."

Binasa ko ang ibang chapter at halos parehas iyon sa nangyayari sa buhay nila.

Bakit ganun?

Ginawa bang diary ni Zin ang wattpad?

Pagkatapos magluto ni Najina ay agad na kaming nagpunta sa hospital kung saan naka-confine si Jordan.

"Dapat happy ending ang ginawa ngayon ni Zin." Saad ko, hindi ko pa rin makalimutan ang last chapter na isinulat ni Syxine.

"Oo nga e, baka gusto niyang mabago ang ending ng story niya ngayon. Maiba naman." Natatawang sabi ni Najina.

"Pero ending pa rin ang pinakamahalaga sa lahat... She must consider it." Paglalaban ko pa rin ang panig ko.

"She considers it, and her readers will remember that her current story doesn't have a happy ending."

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon